Rez mabuting tao sa tunay na buhay

January 19, 2025 Aster Amoyo 147 views

RezRezUNKNOWN to many, ang veteran character actor, former Actor’s Guild of the Philippines prexy and currently president ng MOWELFUND (Movie Workers Welfare Foundation) na si Rez Cortez ay dating school dancer hanggang maging isa siyang professional dancer performing sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Folk Arts Theater (FAT) at iba pang lugar . Naging member din siya ng University of the Philippines Filipinana Dance Troupe hanggang sa telebisyon nang maging member siya ng Amelia Apolinario Dancers and Allegro Dancers when he was in college.

Nagsimula siya sa isang folk dance group sa University of the East kung saan siya naging scholar at naka-libre sa pag-take ng ROTC . Aside from dancing, he was also an athlete in school. He took judo-karate at swimmer din siya sa school.

His acting started sa teatro where he played the role of Judas in “Jesus Christ Superstar” for 15 years at doon siya napansin sa kanyang pagiging effective bilang kontrabida. Since barkada na niya noon sina Dick Israel at Roi Vinzon, may mga pagkakataon na isinasama siya ng una sa kanyang shootings at minsan ay nasasama siya bilang extra. His first movie was in 1974, ang “Daigdig ng Sindak at Lagim.”

Nang maging aktibo siya sa kanyang acting career ay huminto na siya sa kanyang pagsasayaw at nag-focus na lamang siya sa pag-arte.

Palibhasa’y marami na siyang mga kaibigan, dito siya natutong mag-take ng drugs, uminom at manigarilyo. Nagsimula siya sa marijuana, sumubok ng shabu pero hindi umano niya nagustuhan. Kaya hindi siya naging drug dependent at hindi siya nahirapang bumitaw at hindi rin siya sumailalim ng rehab tulad ng ibang drug users.

“Boluntaryo akong bumitaw,” aniya.

Nagsimula naman siyang naging malapit sa Diyos nang umanib siya sa Oasis of Love Fellowship kung saan kasama sa mga active members ay ang award-winning actor na si Christopher de Leon at misis nitong si Sandy Andolong, among other showbiz personalities.

“Hindi na ako bumitaw sa Diyos since then,” pag-amin ni Rez.

Dahil sa kanyang pagiging effective sa contravida roles, may pagkakataon umanong hinampas siya ng payong ng isang matandang babae while he was in Davao dahil sa kanyang role na ginampanan sa “Insiang”. There was also a time na hinamon umano siya ng suntukan ng isang mama. Pero sa halip na magalit ay kinausap niya ang mga ito at pinaliwanagan na hindi umano siya masamang tao sa totoong buhay. Ang kanyang pagiging `bad boy’ ay role lamang na kanyang ginagampanan sa pelikula at telebisyon.

“I find it a compliment,” aniya.

“Ibig lamang sabihin na effective ako sa role na aking ginampanan,” patuloy pa ni Rez.

Rez makes it a point na pinag-aaralan niyang mabuti ang role na kanyang gagampanan. He reads the script at isinasapuso umano niya. If he needs to research for the role ay ginagawa niya and comes to the set na handang-handa sa kanyang gagampanan papel.

Hinihiwalay din ng actor ang kanyang personal na buhay sa role na kanyang ginagampanan sa pelikula at telebisyon.

“Pagdating sa bahay, I am myself,” paliwanag pa niya.

Rez has been happily married sa kanyang wife na si Candy for over 40 years now at sila’y nabiyayaan ng apat na anak – two boys and two girls at mga apo. Sa apat na anak, isa lamang sa mga ito ang sumunod sa kanyang mga yapak sa showbiz, si Cai Cortez who took up theater arts at the University of the Philippines.

“In fairness to Cai, she has more projects than me now,” pagmamalaki pa ni Rez sa anak.

Sa kabila ng pagiging mahusay na actor ni Rez laluna sa mga villain roles, hanggang nominasyon pa lamang ang kanyang inaabot at wala pa siyang naiuuwing acting awards.

“Madalas ay ipinapakilala ako as award-winning actor pero wala pa talaga ako napapanalunan since I started in this business,” aniya.

Pops on Martin: ‘Wag na nating ipilit ang hindi na pwede’

PopsPops1Pops2CONCERT Queen, singer, actress, producer and entrepreneur Pops Fernandez is reuniting with her ex-husband, Concert King, singer-songwriter and TV host na si Martin Nievera sa isang major concert, ang “Always and Forever” na gaganapin sa SM MOA Arena on February 7, 2025 to be directed by actor and concert director Rowell Santiago.

Si Rowell ay naka-loveteam ni Pops nung pareho silang nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Although madalas pa ring magkasama sina Martin at Pops sa mga shows and concerts here and abroad, this is the very time in years na muli silang magsasama sa isang major concert.

The concert is a joint production ng Viva Live, Star Media at DSL Productions ni Pops, the concert production company na kanyang minana sa kanyang inang si Dulce Lukban.

When Pops is not busy doing concerts on her own ay abala naman siya sa pagpu-produce ng mga concerts featuring other artists including her ex-husband na si Martin.

Bukod sa pagpu-produce ng concerts, pinasok na rin ni Pops ang cosmetics line sa pamamagitan ng PICK Cosmetics in cooperation with Viva Beauty. Just very recently, PICK Cosmetics was launched sa pamamagitan ng tatlong colors ng PICK lipstick na nakalabas na sa market sa pamamagitan ng online app. Kasunod na rito ang iba pang variants ng lipstick at iba pang cosmetic products.

Tulad ng kanyang pagiging concert producer, very hands on din si Pops pagdating sa quality ng PICK products na ilalabas sa market.

Although she’s not closing her doors to find another love, mas focused ngayon ang `concert queen’ sa kanyang pagiging negosyante at pagiging first time grandmother sa kanyang unang apo na si Finn sa panganay na si Robin at partner nitong si Mian Acoba.

At 58, marami pa ring gustong gawin at ma-achieve si Pops dahil sa kanyang dalawang anak na sina Robin at Ram at ngayong may apo na rin siya.

“Ibang joy ang ibinibigay sa akin ni Finn,” pag-amin niya.

Samantala, marami ang hanga sa dating mag-asawang Martin at Pops dahil sa kabila na mataga na silang hiwalay (25 years) ay napanatili nila ang pagiging magkaibigan at pagiging pamilya kapag kasama nila ang kanilang mga anak at apo.

“I learned how to let go,” pag-amin ni Pops.

“Huwag na natin ipilit ang mga bagay na hindi na puwede,” dagdag pa niya.

Pero hiwalay man bilang mag-asawa sina Martin at Pops ay nanatili silang `couple’ on stage at naroon pa rin ang kanilang kakaibang chemistry at magic when performing together.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE