Zsara Larawan mula sa IG/Zsara Laxamana

Reyna ng ZSARAp

March 13, 2025 People's Tonight 185 views

PINAKA masarap sa buong mundo.”

‘Yan ang iniwang komento ng Vivamax actress na si Erika Balagtas sa kanyang kapwa sexy star na si Zsara Laxamana matapos itong magpaandar ng taglay na sizzling hotness sa social media.

Sa isang Instagram post ni Zsara, nagbahagi ito ng behind the scene video para sa kanyang naging photoshoot.

Tampok nga si Zsara para sa isang Vivamax original film na “Jowa Collector” sa direksyon ni Dado Lumibao.

Todo awra ang hot actress sa nasabing post kung saan mapapanood siyang grabe kung mag-pose habang nasa sofa.

Suot ang bukas na blouse at kitang bra, mini skirt, pati na high socks, namukadkad ang perpektong korte ni Zsara. Yummy overload ang katakam-takam niyang wangkata.

Rapsa ang nalasap ng mga barako sa sizzling body ni Zsara. Sure na nilantakan na naman siya sa kanilang pantasya.

Bakas na bakas sa kanyang comment section ang pagpapakulo ng libido ng sexy star, ang mga netizens sinabugan kasi ng hearts at fire emojis ang post.

Ilan nang proyekto ang naitampok si Zsara, kabilang na rito ang Sugar Baby (2023), Salisihan (2024) at Dearly Beloved (2024).

AUTHOR PROFILE