Revilla

Revilla pinuri si PBBM

February 26, 2024 PS Jun M. Sarmiento 102 views

ISANG karangalan po ang maalagaan natin ang ating mga lolo at lola at ito po ay isang kaugaliang Pilipino, ang pagbabalik-kabutihan natin sa ating mga matatanda ng kanilang kabutihan.”

Ito ang mga katagang sinabi ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. kung saan ay pinapurihan niya rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. matapos pormal ng pirmahan ng punong ehekutibo ngayon Lunes, February 26, ang panukalang magbibigay ng karagdagan benepisyo sa mga Pilipinong matatanda na tinatawag na natin na mga octogenarians at nonagenarians, bukod pa sa mga centenarians. Si Revilla na nagtulak dito ay siya rinG pangunahin na may akda nito sa kasaluyan kongreso.

“Taos-puso ko pong pinapupurihan at pinasasalamatan ang ating Pangulong Bongbong Marcos sa pagsasabatas ng ating pangunahing panukala upang amyendahan ang Centenarians Law. Ang matagal na nating ipinapaglaban para sa ating mga lolo at lola ay tuluyan na nating napagtagumpayan!,” paglalahad ni Revilla.

Dagdag pa ni Revilla na ang bagay na ito ay matagal niya ng ipinangako sa maraming matatanda na madalas makiusap sa kanya na bigyan naman aniya sila ng konting pansin ng ating gobyerno.

“This was my promise to the Filipino elders and I’m proud to say that I fulfilled it. Sa wakas ay makakasama na rin sa mga mabibigyan ng benepisyo yung iba pa sa kanila, hindi lamang yung mga aabot ng isang daan taong gulang.”

Ang nasabing batas na ngayon na tinatawag na rin bilang “Revilla Law” bilang pagbibigay pugay sa senador ng Cavite na sinusugan ng husto ang pagpasa nito hanggat mapirmahan ng Pangulong Marcos Jr.

Maliwanag na nakasaad na ang bawat Pilipino na aabot sa edad na 80, 85, 90, at 95 ay makatatanggap na aniya ng cash na regalo mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng P10,000 samantalang ang mga swerteng aabot sa edad na 100 ay makatatanggap ng P100,000 hangga’t sila nabubuhay bilang paraan ng ating pag aasikaso sa ating mga matatanda.

Ipinaliwanag ni Revilla na ang intensyon ng nasabing batas ay upang magkaroon ng pagkakataon ang ating nakatatandang Pilipino ng tsansa na kahit papaano ay makapag enjoy naman sa kanilang buhay.

“Layon po ng batas na ito na mapaaga ang pagbibigay natin ng benepisyo para sa ating mga lolo at lola. Hindi na nila kinakailangan pang umabot ng 100 taong gulang para lamang makatanggap ng cash gift galing sa ating pamahalaan. 80 pa lang, bibigyan na natin sila agad. Pagdating ng 85, 90, at 95, bibigyan ulit natin sila. At kung ipagkaloob ng Panginoon na sila ay umabot ng isang daang taon, bibigyan natin sila ng mas malaking halaga bilang pagkilala sa kanilang narating,” giit ni Revilla.

“Sabi nga, aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo. Kaya hangga’t sila ay nabubuhay pa, iparamdam na natin sa kanila ang pagpapahalaga at pagmamahal ng gobyernong ito. At yan ay sa pamamagitan ng maagang pagbibigay ng inaasam-asam nilang pinansyal na regalo. Malaking bagay iyon para sa kanila lalo na’t may mga pangangailangan din sila at gastos para sa gamot, vitamins, supplement, pagkain at iba pa,” paliwanag din niya.

At upang makasiguro, sinabi ni Revilla na nakasaad sa probisyon, na sa pamamagitan ng Elderly Data Management System na pamumunuan ng National Commission on Senior Citizens, ang lahat ng kwalipikadong senior ay agaran na makatatanggap ng kanilang konting prebilehiyo tulad nito sa gobyerno at ito rin aniya ang magiging gabay para ang lahat sa mga ito ay mabigyan ng kaukulan benepisyo.

“Kasama sa batas natin ang pagtatatag ng database para masiguro na wala tayong makakalimutang abutan ng benepisyo. With all the things our elders have done for our country, we should assure that they will receive all the honor and benefits they deserve,” giit ni Revilla.

Matatandaan na una ng isinumite ni Revilla ang nasabing panukala noong 18th Congress ng 2019 ngunit hindi napag ukulan ng pansin nuong mga panahon na yun.

“Sabi nga ng isang salawikain ay “Sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.” Noon ko pa ‘to ipinapaglaban. Priority bill ko na ito noong 18th Congress pa lang. And now, after a long and arduous battle for the welfare of our lolos and lolas, it is with beaming pride to say that we have won the fight.” tuwang tuwa na sambit ni Revilla sa kanyang press conference.

Bukod pa rito, ay sinigurado rin ng senador mula sa Cavite na isusulong pa niya ang iba pang mga panukala na makapagbibigay kaluwagan sa maraming matatanda natin gaya ng SBN 262 o ang tinatawag na “Abot-Kayang Gamot, Bitamina at Gatas para sa Malusog na Senior Citizen Act” na ang target ay palawakin pa ang grant na 20% discount at exemption sa kasalukuyan na value added tax na pwede pa aniyang isama ang iba pang uri ng bilihin tulad ng mga as supplements, vitamins, herbal products, at pati na rin formulated na gatas.

Gayundin, sinabi ni Revilla na itinutulak niyang ibaba ang edad ng Pilipino na senior citizen sa edad na 56 sa pamamagitan ng SBN 1573 sa ilalim ng “Expanded Senior Citizens Act”.

“Hindi dito matatapos ang pagpupursigi natin para mas mabigyan pa ng pagpapahalaga, pagkilala, at pagmamahal ang ating mga lolo at lola. Marami pa tayong panukala na isusulong para maipasa. Simula pa lang ito ng bagong laban – laban para sa tuloy-tuloy na pag-angat ng kanilang kapakanan,” Revilla said in closing.