
Reunion ng ‘Sessionistas’ pakana ni Ice
PUPUNUIN ng pag-ibig at pagkakaibigan ng dating “ASAP Sessionistas” ang The Theatre at Solaire sa muli nilang pagsasama onstage via the sold-out pre-Valentine concert, “Love, Sessionistas,” na gaganapin sa February 8 at may repeat sa April 4.
Medyo matagal-tagal na ngang ’di nakapag-perform together sina Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano at Juris. Ang huli umano nilang pagsasama ay March, 2015 pa.
“Medyo matagal na po,” banggit ni Ice sa mediacon ng concert. “So there was a plan, actually, nu’ng 2019 na mag-hold kami ng something like this, ng concert. I actually messaged everybody na ‘guys okay ba kayo na mag-ano? Tara, gusto ko silang makasama tumugtog. So nag-game naman sila, kaso nag-pandemic, ‘di ba? Nag-pandemic nu’n, eh. Meron na kaming, nakausap ko na ‘yung, may venue na kaming kinakausap, meron na kaming kausap na stage designer and everything. Kaso biglang nag-pandemic. Kung natuloy ‘yon, this was supposed to be Fire and Ice’s first show. But it didn’t happen because of the pandemic. Na-move siya nang na-move hanggang sa andami nang nangyari sa buhay ng isa’t isa,” patuloy pa ng OPM icon/hitmaker.
Muling naisipan ni Ice na buhayin ang ideya pagkatapos ng matagumpay niyang “Videoke Hits” series.
“Ikaw, sa ‘yo nanggaling. Umoo lang kami,” biro nina Nyoy, Juris, Sitti, Kean, Princess at Duncan kay Ice, na sinundan nila ng, “Siya may pakana, thank you, Ice!”
Hirit naman ni Ice, “Nothing feels better than singing them with your friends … na nasa tono, hahaha!”
Seriously, bawi ni Ice, “More than the singing, it’s the friendship na nabuo namin on and off stage.”
Ayon naman kay Nyoy, “We always inspire each other. There’s this weird, like, entity that we become kapag magkakasama kami. You have to see it. When we perform, we become something else.”
Irreplaceable naman para kay Juris ang camaraderie na nabuo nila bilang grupo na nagsimula nga noong 2009 bilang Sessionistas.
“What I like about being part of the group is that on and off stage we are having fun. We support each other, ‘yun ‘yung gusto ko,” banggit pa niya.
“Alam namin kung kailangan mo ng advice or comfort or maramdaman lang na ‘andiyan kami
para sa’yo. These are friendships that I formed na lifelong na,” paniniguro ni Princess.
Sa tingin naman ni Duncan, “‘Yung wit saka ‘yung humor sa relationship namin is sobrang present.
We really come from different genres — so different personalities, different characters, as one.”
Para nga raw silang iba’t ibang mutants na pinagsama-sama, sey naman ni Kean.
“Very humbling ’yung experience sa Sessionistas kasi alam ko kapag sumasalang ako kasama ko sila, hindi siya tungkol sa’kin, eh. It’s about the music, it’s about the message.”
Basta, naghanda umano sila ng magandang show para sa kanilang fans, kabilang na ang mga bagong kanta, signature hits na binigyan ng bagong areglo at kolaborasyon na siguradong ikatutuwa ng mga manonood.
Anyway, ang tickets para sa April 4 performance ay magiging available na sa TicketWorld soon. Pwede ring magpa-reserve sa exclusive pre-sale ng Fire and Ice Live (0927-7003262).