claudine

Reunion movie, perfect timing para kina Claudine at Mark Anthony

June 7, 2021 Ian F. Fariñas 297 views

markPERFECT timing para sa ex-showbiz couple na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez ang pagkakabuo ng reunion movie nilang Deception para sa Viva Films at Borracho Entertainment after 26 years.

Sa virtual storycon ng sensational drama mystery kahapon, sinabi ni Claudine na malaking bagay din na si Direk Joel Lamangan ang napiling mamahala sa Deception dahil malapit ito sa puso niya.

Pahayag ng aktres, “I said yes to this project because it’s different, the story is different. It’s not the Filipino movie that we usually get to watch and also, this is directed by Direk Joel Lamangan. So he is very close to my heart, basta ’pag sinabing Joel Lamangan, hindi ako hihindi talaga. And also, it’s a reunion for Mark and I, so parang ang tagal-tagal nang pinagpaplanuhan ’yung reunion na ’to, ngayon lang talaga nangyari so tinanggap ko talaga ’yung film.”

Sinegundahan ni Mark ang sinabi ni Claudine dahil matagal na nga raw nilang gustong gawin ang reunion project nila, wala lang silang mahanap na magandang script noon.

As per Direk Joel, mabigat ang materyal ng Deception.

“Kakaibang istorya na maaaring hingan sila (Claudine and Mark) na ipakita ang kanilang acting ability at ito nga ang Deception. Hindi ito karaniwang ginagawa sa pelikulang Pilipino, kakaiba ang istorya at malaki ang hinihingi sa mga aktor upang mabigyang- buhay ang mga karakter na ito.

“Marami na kaming naisip na mga istorya, ito ang aming napili sapagkat ito ang pinakabagay sa kanilang dalawa at pinaka-challenging sa kanilang dalawa,” dagdag paliwanag ng batikang direktor.

Ayon kay Mark, tailor-made para sa ex-GF ang papel ng isang dating aktres na na-convict ng parricide at arson.

“Iba talaga ’pag naka-customize para sa kanya, so malaking bagay po ’yon,” pahayag niya.

Samantala, inamin din ni Mark sa nasabing virtual storycon na totoong sinabi niya na “love is lovelier the second time around.”

Depensa ng aktor, “When you think of it, malalim siya, makabuluhan and sa maraming pagkakataon, totoo nga siya.”

First love ni Claudine si Mark at kahit hindi pa sila personal na nagkikitang muli, madalas silang mag-usap sa telepono.

“Narinig ko nga ’yon, kagabi tinawagan ko siya, ‘ano ’yung sinasabi mo, love is lovelier the second time around?’ Wala lang, tawa lang kami nang tawa.

“Wala kaming problem even when wala kaming closure sa relationship before, Mark stayed the same, alam nating lahat na napakabuting tao ni Mark,” ani Claudine, na kung tawagin ngayon ng ex-BF ay “Boss Claudine” at “Miss Claudine.”

Makakasama nina Mark at Claudine sa cast ng Deception sina Chanda Romero, Jaycee Parker, Sheree, Gerald Santos, atbp.

AUTHOR PROFILE