Claudine Barretto

Reunion movie nina Claudine at Mark matutuloy na

May 18, 2021 Aster Amoyo 272 views

MATAGAL nang napapabalita ang balik-tambalan ng dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Mukhang matutuloy na ito na nakatakdang pamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan mula sa panulat ng writer-director na si Easy Ferrer under Borracho Films in cooperation with Viva Films.

Si Mark Anthony ay nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency na dati ring home studio ni Claudine bago ito lumipat sa ALV Circuit Management ni Arnold Vegafria.

Si Claudine ay dating prized talent ng Star Magic ng ABS-CBN but moved to GMA in November 2009 kung saan siya nanatili until 2012.

Sina Claudine at Mark ay unang nagtambal in 1995 sa pelikulang “Pare Ko” na dinirek ni Joey Javier Reyes under Regal Films na sinundan ng “Mangarap Ka” onthe same year na pinamahalaan ni Rory Quintos under Star Cinema. Hindi na ito nasundan pa dahil hindi na pinayagan si Claudine ng ABS-CBN na ipareha kay Mark Anthony noon dahil bini-build-up na ng Kapamilya network ang tambalan nina Claudine and the late Rico Yan na naging kapareha niya in most of her successful hit TV series and movies under Star Cinema.

In our exclusive interview with Claudine sa aming “TicTalk with Aster Amoyo,” inamin ng actress na si Mark Anthony umano ang kanyang first love pero si Rico ang kanyang greatest love. Big mistake naman ang description niya sa kanyang ex-husband na si Raymart Santiago kung kanino siya may dalawang anak, ang kanilang adopted child na si Sabina and their biological son na si Santiago.

Hiwalay na rin si Mark Anthony since 2014 sa kanyang ex-wife na si Melissa Garcia na kanyang pinakasalan in 2006. Ang dating mag-asawa ay nagkaroon ng isang anak, ang young Kapamilya actor na si Grae Fernandez.

Si Mark Anthony ay nagmula sa showbiz royalty. Siya’y anak ng namayapang action star na si Rudy Fernandez at ina niya ang actress at dating politician na si Alma Moreno. Half-siblings niya sina Vandolf Quizon, Winwyn Marquez, Rap-Rap and Renz Fernandez. Tiyuhin naman niya ang Padilla brothers na sina Robin, Rommel at Rustom (BB Gandanghari) Padilla at pinsan niya ang matinee idol na si Daniel Padilla.

Twenty six years ang ipinaghintay nina Claudine at Mark Anthony bago natuloy ang kanilang reunion movie.

Gold Squad mga breadwinner maliban kay Kyle

Gold SquadHINDI man personal na aminin ng bumubuo ng Gold Squad ng ABS-CBN na sina Andrea del Rosario (18), Francine Diaz (17), Kyle Echarri (17)at Seth Fedelin (18), halatang may espesyal na pagtitinginan na sa pagitan nina Andrea at Seth, Francine at Kyle. Sa kanilang apat, si Andrea ang pinakamatagal na sa showbiz dahil pitong taong gulang pa lamang siya nang siya’y magsimula at naging breadwinner ng kanyang pamilya when she was ten. Pero sa maiksing panahon ay natupad niya ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng kanyang dream house para sa kanyang pamilya.

Bukod sa maganda ang takbo ng showbiz career ni Andrea, meron na rin siyang 3.16M subscribers sa kanyang YouTube at malaki-malki na rin ang kanyang kinikita bilang YouTuber, labas pa ito sa kanyang strong following sa Instagram at sa TikTok.

Bread winners din ng kanilang pamilya sina Francine at Seth liban kay Kyle.

Nagsimulang umusbong ang loveteam nina Andrea at Seth, Francine at Kyle nang pagsamahin silang apat sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” na agad sinundan ng primetime drama series na “Huwag Kang Mangamba”na sila mismong apat ang mga pangunahing bituin.

Rabiya pwedeng sumubok sa Miss World

Rabiya MateoSA kabila na sa 21 semi-finalists lamang nakabilang ang kinatawan ng Pilipinas sa recently-concluded 69th Miss Universe grand coronation night na ginanap sa Hollywood, Florida, USA, naging mainit at positibo pa rin ang pagtanggap kay Rabiya Mateo ng kanyang mga kababayan dahil sa ipinakita nitong husay and confidence during the premilinary competition hanggang sa grand coronation night.

Naging mailap man kay Rabiya ang korona sa Miss Universe competition, may pagkakataon pa siya kung susubok din siya sa Miss World at iba pang international beauty pageants. After all, she’s only 24 at magagamit niya ang kanyang Miss Universe experience in her future endeavors as beauty queen.

Alice ‘di pa ipinakikilala ang ama ng anak

Alice DixsonHANGGANG ngayon ay hindi pa rin ipinapakilala sa publiko ng Fil-Am actress at dating beauty queen na si Alice Dixson ang kanyang present partner na may initial na GS maging ang kanyang bagong baby (sa pamamagitan ng surrogacy) sa Amerika na si Baby Aura.

Parehong hands-on parents sina Alice and her partner sa pag-aalaga sa kanilang baby laluna’t wala pa silang nakukuhang yaya ng bata.

Taong 2013 pa hiwalay sa kanyang ex-husband na isang Filipino based in Canada na si Ronnie Miranda pero hindi sila nabiyayaan ng anak sa kanilang 14 na taong pagsasama. Nakilala naman ni Alice ang kanyang bagong Prince Charming in June 2012 sa pamamagitan ng kanyang make-up artist na si Jean Castor but it was only after a year nang maging sila.

At 51, ngayon lamang ni Alice naranasan ang maging isang ina.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE