DMW Source: DMW FB file

Retraining, upskilling ng OFWs tututukan ni PBBM

May 30, 2024 Chona Yu 252 views

PALALAKASIN pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang retraining at upskilling ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Pangulong Marcos, ito ay para magkaroon ng alternatibong hanapbuhay ang mga OFW sakaling magpasyang umuwi sa Pilipinas at tumigil na sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Inihalimbawa ni Pangulong Marcos ang pandemya sa COVID-19 kung saan maraming OFW ang nawalan ng trabaho.

“That’s been going on for a while. It really was born in the time of the pandemic when many of our OFWs were sent home for health and safety reasons,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“As a matter of fact, we will do the training. But we have to be in partnership with the government. And government provides incentives, provides better opportunities for our workers so that they learn new skills and that are relevant to the modern, post-pandemic economy,” dagdag ng Pangulo.

Tinukoy ng Pangulo ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) Project ng Department of Labor and Employment na nagbibigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho.

“And not only our OFWs, our working population in the Philippines [too]. And TESDA (Technical Education and Skills Development Authority), that’s why TESDA has suddenly grown,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, naglaan na rin ang gobyerno ng mas malaking pondo para sa mga OFW na nawalan ng trabaho.

“So, they had to come home. And so, we provide support to them. We provide outright support in the meantime and at the same time there are livelihood programs that are available to them, both under DOLE (Department of Labor and Employment) and TESDA,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So, you know, I’ve also tried very hard to strengthen the side of the employment, because there are a lot of livelihood programs,” dagdag ng Pangulo.

AUTHOR PROFILE