Bersamin Nanunumpa sa kanyang tungkulin si retired general Thompson Lantion bilang bagong pinuno ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Retired gen. Thompson Lantion itinalagang bagong BCDA chief

September 11, 2024 Chona Yu 125 views

Bersamin1NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong pinuno sa Bases Conversion Development Authority (BCDA).

Ito ay sa katauhan ni retired general Thompson Lantion.

Papalitan ni Lantion si dating BCDA chairman Delfin Lorenzana na babalik na sa pribadong buhay.

Si Lantion ay tumatayong National Secretary General ng Partido Federal ng Pilipinas na Partido (PFP) ni Pangulong Marcos.

Dati nang nagsilbi si Lantion bilang chairman ng Land Transportation Office (LTO) sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Nanumpa na sa tungkulin si Lantion kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malakanyang.

Umaasa naman si Lorenzana na magagampanan ni Lantion ang bagong tungkulin.

Pagtitiyak ni Lorenzana, tutulong pa rin siya sa pamahalaan sa anumang paraang kaya niya.

Kasabay nito ang pasasalamat ni Lorenzana kay Pangulong Marcos sa tiwala at kumpiyansang ipinagkaloob sa kaniya.

Binati rin ni Lorenzana si Lantion at sinabing taglay nito ang deka-dekadang karanasan sa gobyerno at pamumuno kaya tiwala siyang malalagpasan nito ang kaniyang mga nagawa sa BCDA.

AUTHOR PROFILE