Frasco Makikitang sinusuri nina House Deputy Speaker at Cebu City 5th District Cong. Vincent Franco ‘Duke’ D. Frasco at kanyang kabiyak na si Tourism Sec. Christina Garcia Frasco ang Pier 88. Mga kuha sa Facebook ni Rep. Frasco

Rep. Frasco: Pier 88 ‘economic gateway’ ng progresibo nang Liloan

May 23, 2023 Mar Rodriguez 280 views

Frasco1OPTIMISTIKO o malaki ang paniniwala ni House Deputy Speaker at Cebu City 5th District Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco na sa pagbubukas ng proyekto nitong Liloan Port o “Pier 88,” ay magbubukas din ang mga magagandang oportunidad para sa mga residente ng Liloan, Cebu City.

Sinabi ni Cong. Frasco na positibo ang kaniyang “projection” o nakikitang magandang kapalaran sa pagsisimula ng Pier 88 para sa mga residente ng Liloan o mga Cebuano sa kabuuan dahil sa mga negosyong itatayo o bubuksan sa loob mismo ng Liloan Port na magbibigay naman ng maraming trabaho.

Ipinaliwanag ni Frasco na hindi lamang basta pantalan ang magiging papel ng Pier 88, bagkos ito aniya ay magiging isang napakalaking establisyimento na magbubukas ng maraming negosyo tulad ng mall, supermarket o groceries, sinehan, leisure park, restaurants, at iba pang mga negosyo.

Muling iginiit ni Frasco na ang pagbubukas ng Pier 88 ay isang “economic gateway” o daan patungo sa mas lalo pang pag-unlad ng ekonomiya ng bayan ng Liloan dahil sa napakaraming trabaho at kita o “ganansiya” na maibibigay nito para sa mga Cebuano na lalo pang magpapa-angat sa ekonomiya ng lalawigan.

Nauna nang sinabi ng mambabatas na nakatakdang buksan sa katapusan ng buwan ang Pier 88 na malaki ang magiging pakinabang sa publiko mula sa Bohol, Camotes Islands, Leyte, at Cebu City. Kung saan, binalangkas ang proyekto ng Pier 88 noong 2015 sa kaniyang huling termino bilang Mayor ng Liloan at inaprubahan naman noong 2017 nang siya naman ay Commissioner ng Cebu Port Authority.

“Pier 88 will be an economic gateway to the already progressive and developed town of Liloan and its neighbors, the Municipality of Compostela and Danao City. Pier 88 is envisioned to be a mixed-use development that will not only function as a port but shall also feature a mall, restaurants, and leisure spaces which will generate more job opportunities for residents of the 5th District of Cebu City,” sabi pa ni Frasco.

AUTHOR PROFILE