Frasco

Rep. Frasco nanguna sa groundbreaking ng police station sa Liloan

October 12, 2023 Mar Rodriguez 407 views

Frasco1Frasco2PINANGUNAHAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” Frasco ang groundbreaking ceremony ng construction ng police sub-station sa Lilon, Cebu.

Ayon kay Frasco, nagkakahalaga ng P10 million ang police sub-station sa Barangay Yati sa Liloan. Layunin ng proyektong ito na mailapit at maibigay ang serbisyo ng Philippine National Police (PNP) sa mga residente ng barangay.

Sinabi ni Frasco na napakahalaga para sa kanila ang magkaroon ng “police visibility” sa Barangay Yati para magkaroon ng proteksiyon ang mga residente dito at mapanatili ang seguridad at kaayusan sa nasabing barangay.

Sa kasalukuyan, “zero crime” ang lugar, ayon sa mambabatas.

Ipinaliwanag ng House Deputy Speaker Barangay Yati ang pinaka-malaking barangay sa Liloan kaya dapat lang na magkaroon ng police sub-station para mapangalagaan ang mga residente kahit pa sabihin na tahimik sa nasabing barangay.

“Ang aim natin dito ang mailapit ang PNP sa mga residente ng Barangay Yati. Kasama na rin dito ang pagpapanatili ng peace and order sa lugar na ito kahit pa sabihin na tahimik naman ang mga tao dito. Mabuti na rin na mayroong mga pulis na handang magtanggol sa ating mga kababayan,” ayon kay Frasco.

Pinasalamatan ni Barangay Chairman Emma Pepito si Frasco dahil sa malasakit nito para sa mga residente ng kanilang lugar. Ayon sa barangay chairman, isina-alang alang ng kongresista ang kapakanan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng peace and order sa lugar.

AUTHOR PROFILE