Frasco1

Rep. Frasco isinulong sports tourism sa Cebu

October 8, 2023 Mar Rodriguez 525 views

10K nakilahok sa Friendship Ride at Fun Run na inorganisa ng Deputy Speaker

TINATAYANG 10,000 participants mula sa Cebu City ang lumahok sa “Friendship Ride at Fun Run” na inorganisa ni House Deputy Speaker at 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa Santiago Bay, San Francisco, Camotes, Cebu.

Sinabi ni Frasco na layunin ng “Friendship Ride at Fun Run” na maisulong ang sport tourism sa Cebu City partikular na sa Camotes Island kabilang na dito ang malaking kontribusyon na mai-aambag sa local economy ng lalawigan.

Nabatid kay Frasco na bahagi ng programa ang pagpapa-raffle ng P250,000 cash price at iba pang premyo para mahikayat ang mga residente ng lalawigan na mahilig sa sports.

Ayon kay Frasco, bilang kinatawan ng 5th District ng Cebu City tungkulin niya na mapangalagaan hindi lamang ang kapakanan ng kaniyang mga kababayan kungdi maging ang kalusugan ng mga tao sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa at iba pang sports event na tulad nito.

“Hindi lamang ito ang mga sports program na gagawin natin dito sa Cebu City. Marami pa tayong mga programang gagawin para matulungan ang ating mga kababayan na lumahok sa mga sports event na tulad nito,” ayon kay Frasco.

AUTHOR PROFILE