Frasco

Rep. Frasco hataw sa paglunsad ng infra projects

September 19, 2023 Mar Rodriguez 306 views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4HUMAHATAW si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa paglulunsad ng mga proyekto para sa iba’t-ibang munisipalidad at siyudad na sakop ng kaniyang distrito sa pamamagitan ng mga infrastructure projects na magbibigay ginhawa para sa mga Cebuano.

Dahil dito, pinasinayahan ni Frasco ang isa pang infrastructure project nito sa Munisipalidad ng Borbon sa pamamagitan ng dalawang proyekto na magdudulot ng malaking ginhawa hindi lamang para sa mga residente ng nasabing lugar. Bagkos para din sa mga mag-aaral.

Katulad ng naunang proyekto ni Frasco sa pamamagitan ng pagpapatayo ng bagong covered court sa Guinsay Elementary School, pinangunahan din ng kongresista ang pag-turn over ng isa pang covered court para naman sa mga estudyante ng Bongoyan Elementary School na nagkakahalaga ng P3.5 million.

Sinabi ni Frasco na ang pagpapagtayo ng bagong covered court ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan na magkaroon ng bago at maayos na venue na magagamit nila sa kanilang pag-aaral at mga aktibidades na isasagawa ng Bongoyan Elementary School.

Bukod sa bagong covered court, tinodo na rin ni Frasco ang pagkakaloob ng tulong hindi lamang para sa mga mag-aaral ng Bongoyan Elementary School. Bagkos para na rin sa mga teachers at magulang ng mga estudyante matapos itong magbigay ng P20,000.00 mula sa kaniyang personal funds.

Ayon sa mambabatas, ang P20,000.00 ay ipinagkakaloob nito para maggamit ng Parent’s and Teachers Association (PTA) sa nasabing paaralan bilang suporta sa mga programa at aktibidades ng Bongoyan Elementary School.

Nagtungo din si Frasco sa Barangay Clavera para i-turn over naman ang bagong sementadong bleachers at flooring ng bagong tayong covered court ng naturang barangay na nagkakahalaga ng P1.9 million.

AUTHOR PROFILE