Arjo

Rep. Arjo Atayde nakipag-sanib pwersa sa DSWD, Mayor Joy Belmonte para sa mga biktima ng sunog sa QCD1

September 14, 2022 People's Tonight 94 views

NAKIPAG-SANIB puwersa ang Quezon City District 1 (QCD1) Representative na si Arjo Atayde sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at kay Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pagtulong sa mga biktima ng katatapos lamang na sunog sa 224 Don Manuel, Barangay Balingasa.

Faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na mabilis kumalat at tinupok ang mga Tahanan ng halos 700 pamilya nuong Seteyembre 8. At dahil minahal siya ng distrito uni dahil sa kanyang Aksyon Agad na adbokasiya, kaagad na rumesponde si Atayde upang alamin ang kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot ns sunog at upang bigyan ng tulong ang daan-daang pamilyang apektado.

At kaunaunahang pagkakataon sa distrito, kaagad na nabbigay ng tulong ang DSWD nuong Setyembre 9.

“Isang tawag lamang kay DSWD Secretary Erwin Tulfo at kaagad silang tumulong,” sabi ni Atayde. “Action man ang pinili ni President Bongbong Marcos na maging pinuno ng DSWD at kami sa QCD1 ay lubos na nagpapasalamat sa kanyang mabilis na pagtugon.

”Nagbigay ang DSWD ng P5,000 cash assistance at relief boxes sa bawat pamilya habang patuloy naman si Atayde sa pagbigay sa kanila ng regular na rasyon ng drinking water.

Patuloy ang relief at rehabilitation efforts habang nakikipagugnayan si Atayde kay Mayor Joy Belmonte para sa sustainable at mabilis nap ag-rebuild ng mga nasunog na bahay. Naghahanda din si Atayde para sa distribusyon ng panibagong essentials gaya ng pagkain, tubig, at gamot para sa bawat pamilya.

AUTHOR PROFILE