Pmvar

Rep. Alfred, tuloy ang laban sa pulitika

October 6, 2021 Ian F. Fariñas 277 views

MARAMI ang nabulaga pero marami rin ang natuwa sa pagpa-file ng COC (certificate of candidacy) ni Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas na bali-balitang tatakbo sa pagka-konsehal.

Unang binalak ng aktor-politiko na magpahinga muna sa pulitika matapos ang tatlong termino bilang kongresista para mabigyan ng mas maraming oras ang kanyang pamilya. Pero sa dami ng natulungan at nangangailangan pa ng tulong niya, malamang na nakumbinsi siyang ipagpatuloy ang paninilbihan.

Sa confirmatory Facebook post ni Rep. Alfred matapos ang filing kasama ang misis na si Yasmine, sinabi niya na, “Nagpapasalamat po tayo sa panibago na namang opportunity to serve!

“Thank you, Amore, dahil palagi kang nasa tabi ko sa bawat laban. Thank you, Mayor Joy Belmonte sa pagiging halimbawa ng sipag at malasakit para sa QCitizens. Thank you, Vice Mayor Gian Sotto at Cong. Kit Belmonte. Gayundin ang pasasalamat natin sa ating mga ka-District V na patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa amin ni Coun. PM Vargas.

“To God be the glory.”

Sinamahan din niya sa Comelec nu’ng Lunes ang kapatid na si Counselor PM Vargas, na nag-file naman ng COC para sa pagka-kongresista ng 5th district.

Siyempre, proud na proud si Rep. Alfred sa kapatid.

Aniya, “I am proud of PM. He is a natural when it comes to connecting with people and he has an instinct for feeling and understanding their needs. Mataas rin ang ’empathy quotient’ niya. Minana namin kay Mommy,” pahayag ni Cong tungkol sa kapatid.

“His decision to run for a congressional seat made me emotional on so many fronts. Naalala ko si Mommy and how she would have been proud of her youngest son.

“Public service is one of her legacies which has inspired all her children not only to be of help to the less fortunate and disadvantaged but to effect positive change.

“Si PM ang isang matibay na sandalan ko sa tatlong termino ko bilang kongresista. He would support me in all my initiatives no matter how unpopular they may be.

“Kinausap niya ako bago siya nag-file ng COC. Sabi niya, ‘dapat pang ituloy ang lahat ng iyong ipinaglalaban, Kuya. I understand your cause and vision. And because of that, I will run. Your positive effect on the lives of our kadistritos has to continue. I will do it for your constituents.

You and I owe them that.’ Then I knew, my brother and I are one.

“I am supporting his candidacy because I believe in what he stands for. I’ve known him all his life. We come from the same tree and the fruit never falls far from it. I am proud of PM but I am sure Mom and Dad are even prouder of him,” sey pa ni Cong.

Magkasama rin ang magkapatid na dumalaw sa puntod ng yumaong ina.

Kwento ni Rep. Alfred sa socmed, “We visited and paid our respect kay Mommy matapos mag-file ni Coun. PM Vargas ng kanyang kandidatura para sa Kongreso. Nagpaalam at humingi kami ng blessing sa aming magulang na nagpamulat sa amin ni PM ng tunay na halaga at kahulugan ng serbisyo publiko. Alay namin sa kanya ang bawat sakripisyo at tagumpay sa larangang kanyang isinabuhay.

“Huling bilin niya sa akin: ‘Live and serve with integrity, compassion, and competence.’ Three words PM and I have always stood for and lived by.

“Maraming salamat, Mommy. We will take care of your legacy and we will always make you proud. We love and miss you,” patuloy ng aktor-politiko.

AUTHOR PROFILE