Larawan: Rendon Labador/IG
Rendon naghahanap ng EA na ‘di tanga’
Hindi ka ba tanga? Pwede ka nang mag-apply bilang executive assistant o EA ng social media personality na si Rendon Labador.
Sa kanyang social media post, nagkaroon siya ng anunsyo na kasalukuyan siyang naghahanap ng EA na number one qualification ay “‘yung hindi tanga.”
“Sino gusto magtagumpay?” saad ni Rendon sa caption niya sa isang Facebook post.
Ayon pa sa social media personality sa Quezon City lang ang opisina niya. Kung interesado ka, i-email lang daw si Rendon sa kaniyang email na [email protected].
Ang sahod ay P35,000 kada buwan.