Rendon

Rendon ‘ligwak’ na sa Episode Bar + Kitchen, ispluk ni Ogie Diaz

August 7, 2023 People's Tonight 420 views

Sa latest episode ng showbiz oriented ni Ogie Diaz na “Ogie Diaz Showbiz Update,” ibinunyag niyang hindi na umano parte sa Episode Bar + Kitchen ang motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador.

Ipinakita rin ni Ogie ang statement ng nasabing establisyemento, kung saan hindi umano nila deretsahang sinabi na patungkol ito kay Rendon.

“Hindi na pala bahagi ng Episode Bar + Kitchen itong si Rendon Labador,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, pwede na raw umano kumain ang mga tao dahil tinanggal na sa menu ang kontrobersyal na motivational rice.

“Bilang paglilinaw yan ng Episode Bar, parang di nila diretsahang sinabi pero parang wala na dun si Rendon at pwede na raw kumain ang mga tao dun ulit dahil wala ng motivational rice,” dagdag pa ni Ogie.

Matatandaang umani ng batikos ang motivational rice ni Rendon, dahil sa presyo nitong 100 pesos per serving mas mahal pa umano sa mga sikat na fast food.

AUTHOR PROFILE