KC

RELASYONG KC AT KIKO: A WORK IN PROGRESS

January 13, 2025 Vinia Vivar 106 views

KikoKung nagkaayos na si Sharon Cuneta at ang panganay niyang anak na si KC Concepcion, “work in progress” naman ang deskripsyon ni Atty. Francis “Kiko” Pangilinan sa relasyon nila ng stepdaughter.

Sa interview ni Karen Davila sa mag-asawang Sharon and Kiko, recently, ikinuwento ng Megastar ang naganap na reconciliation nila ni KC nitong nakaraang holiday season.

Matatandaan na ipinost din naman ng mag-ina sa kani-kanilang social media accounts ang kanilang pagkakaayos.

“Over the holidays, we got to talk after two years,” kwento ni Shawie sa vlog ni Karen.

Naging honest naman si Mega sa pagsasabing hindi pa ‘okay’ si KC at ang mga half-sibling nito pati na nga si Kiko. Pero umaasa naman siya na magiging maayos din ang lahat sa tamang panahon.

“There’s still things to work on in terms of he relationship with her siblings or her dad (Kiko), pero kami, we’re okay. So, we’ll get there. Wala namang pwedeng ipilit,” sey ni Sharon.

“It’s a work in progress,” dagdag naman ni Kiko na inayunan ni Sharon.

“It’s a work in progress. That’s the best thing to say,” pag-agree ni Mega.

“And God is a faithful God, so…,” dugtong ulit ni Kiko.

“And he (Kiko) loves her so much,” sey ni Shawie.

Matatandaang taong 2023 nang mapuna ng netizens ang pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie, panganay na anak nina Kiko at Sharon.

Hanggang sa inamin na rin ito ni KC sa panayam kay Cristy Fermin at sinabing mas gusto na muna niyang magkaroon ng peace of mind.

Pero mahal na mahal naman daw niya ang kanyang pamilya.

AUTHOR PROFILE