Jakbie

Relasyong JakBie, matatag pa rin

July 25, 2023 Vinia Vivar 214 views

Viral ang video ng showbiz couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto kung saan ay makikitang magkasama silang dumating sa GMA Gala 2023, contrary sa akala ng marami na magkahiwalay silang nagpunta sa event.

Kitang-kita sa video na in-upload ng isang netizen sa TikTok na magka-holding hands pa ang dalawa na pumasok at naglakad patungo sa entrance.

Mapapanood din na todo-alalay pa si Jak sa girlfriend habang si Barbie naman ay nakakapit pa sa kanya.

Kaya naman kinilig na ang JakBie fans at nakampante na rin sila. Inakala kasi nila noong una na pinagbawalan ang dalawa na magsama sa naturang event because of David Licauco na ka-loveteam ni Barbie.

May mga nag-isip din na baka nagkakalabuan na ang dalawa.

Sa pagsulpot ng video ay napatunayan nilang matatag na matatag pa rin ang relasyong JakBie.

AUTHOR PROFILE