AJ

Relasyong AJ at Aljur unti-unti nang lumalantad

April 1, 2023 Aster Amoyo 515 views

AljhurIT was in February 14, 2023 nang i-post ng Vivamax Queen at anak ng actor na si Jeric Raval na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture nila ng kanyang rumored actor boyfriend na si Aljur Abrenica na kuha sa isang beach habang sila’y nakatalikod.

“I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally (with heart emoji),” mensahe ni AJ patungkol sa ex-husband ni Kylie Padilla na si Aljur.

Ang nasabing post ay sinagot ni Aljur ng heart emoji.

Napabalita ring nagsilang umano si AJ ng baby na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin ng couple sa publiko. Pero nung nakaraang Febuary 23, 2023 ay nag-post si AJ ng kanyang picture kung saan may nakalagay na “baby ginkel Napakaganda” kaya nag-speculate ang iba na malamang na baby girl na may pangalang Baby Ginkel ang kanilang baby.

Sa bagong post ni AJ sa kanyang IG last Thursday, March 30 ay muli siyang nagbahagi ng kanyang picture na may hawak na dalawang silicone breast implants na tinanggal sa kanyang dibdib.

Nag-desisyon ang sexy star na tanggalin na ang kanyang fake boobs dahil mas gusto niya ang kanyang natural breasts at nakaramdam umano siya ng freedom pagkatapos ng procedure.

Inaasahan ang muli niyang pagiging aktibong muli sa kanyang showbiz career.

Bago ang balitang nagbuntis umano si AJ ay nakagawa siya ng limang pelikula under Viva na ipinalabas sa Vivamax at ang mga ito ay ang “Us X Her,” “Sitio Diablo,” “Security Academy,” “Iskandalo” at “Hugas,” all shown in 2022.

Ryle pumirma sa Viva

RyleSI Ryle Paolo Santiago ang pinakabagong Viva Artists Agency talent.

Si Ryle na anak ng actress nasi Sherilyn Reyes-Tan sa ex-husband nitong si Jun-Jun Santiago, nakababatang kapatid nina Randy at Rowell Santiago at elder brother ng actor na si Raymart Santiago ay siyang latest talent na lumagda ng management contract with VAA at pang-apa tna artist na nagging miyembro ng all-male dance group na Hashtags. Naunanang naging Viva babies sina Vitto Marquez at McCoy de Leon na sinundan ni Nikko Natividad.

Ngayong nasa pangangalaga na si Ryle ng VAA, umaasa siyang mas magiging visible at busy siya sa mga susunod na araw and looks forward to working with his co-Hashtags members.

Vi-Boyet reunion movie gagawin na

VilmaTULUY– tuloy na ang balik-tambalan sa pelikula nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa film na pinamagatang “When I Met You in Tokyo” na kukunan siyempre in Tokyo, Japan.

Super excited ang Star for All Seasons at award-winning actress sa muli nilang pagtatambal ni Boyet (Christopher) na nakatrabaho niya in over 24 successful movies in the past.

Bukod sa reunion movie nila ni Boyet, may gagawin ding movie this year si Vi under Reality Studios nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde at malamang na gumawa rin siya ng isang TV sitcom na never pa niya ginawa in the past.

Ang pakiramdamni Vi ay parang nagsisimula siyang muli having turned her back on showbiz para mag-focus sa kanyang pagiging public servant sa loob ng 24 years.

Nasaan na si Atoy Co?

AtoyAtoy1ANO na ang pinagkakaabalahan ngayon ng basketball icon na si Atoy Co, isa sa mga superstar players noon ng iconic basketball team na Crispa Redmanizers?

Sa hindi inaasahang pagkakataon, we bumped into Atoy (with his lovely wife Monette Garcia-Co) sa recently concluded 40th anniversary celebration ng Ever Bilena Cosmetics na pinamumunuan ng successful businessman na si Dioceldo Sy na ginanap sa tatlong function rooms ng SMX Convention Center.

“I’m into farming,” proud niyang pahayag.

Little did we know na napakalaki pala ng kanyang farm in Calauan, Laguna na abot ng 6 hectares with almost 30 people manning the farm na pinangungunahan ng isang farm manager. Twice or thrice a week ay dumadalaw si Atoy with his wife Monette sa kanilang farm kung saan meron din siyang poultry at iba’tibang fruit bearing trees tulad ng lanzones, rambutan at iba pa. Meron din umano siyang about 500 plants ng mga pinya roon.

Hindi ikinakaila ni Atoy na sobra umano niyang ini-enjoy ang farming business dahil bukod sa sariwa ang hangin sa probinsya, gustung-gusto rin umano niya ang mga sariwang pagkain doon.

It was in 1975 nang simulan niAtoy ang kanyang career bilang professional basketball player under Crispa Redmanizers na naging number one rival ng Toyota Team na pinangunahan ng isa pang basketball legend na si Robert ‘Bobby’ Joworski na pagkaraan ay lumipat ng Ginebra San Miguel Team.

Although matagal na rin siyang retired from being a basketball player, he still plays and coach occasionally.

Atoy made in mark sa larangan ng Philippine Basketball Association (PBA) making him one of the 25 greatest players in PBA history.

It was during his time at ni Jaworski that basketball was at its peak and they were treated like superstars at ang kanilangmgatagahanga ay hindilamangmgalalakingmahihiligsanasabing sports kundilaluna ang mgababae.

Since he was a star during his time, hindi rin siya nawawalan ng iba’tibang girlfriend either from showbiz or non-showbiz at kasama na rito ang yumaong si Alona Alegre na may tatlong taon din niyang naging girlfriend.

Ayon kay Atoy, hindi niya umano matanggap na nakikipaghalikan sa ibang lalake (sapelikula) si Alona kahit pa parte ito ng kanyang pagiging actress.

“My late mother would attend mass everyday at ang isa niyang ipinagdadasal ay magkahiwalay kami ni AA,” kwento pa ni Atoy.

As fate would have it, Atoy met the beauteous ballet dancer na si Monette Garcia in 1979 nang gumawa sila ng isang TV special for Crispa Redmanizers at lahat sila ay inatasang sumayaw as partners.

Si Monette ay dating miyembro ng Bayanihan Dance Company, Julie Borromeo Dance Company at Karilangan Cultural International.

Doon nagsimula ang spark sa kanilangpagitan.

Since may mga performances abroad si Monette, na-miss siya niAtoy. In one of his long-distance calls to Monette who was in Frankfurt, Germany, nag-propose si Atoy.

That was November 1979 and two months later ay nagpakasal sila nung January 20, 1980.

The couple is blessed with four beautiful children na sina Cristine, Franz, Fourth at Andre (all professionals) at meron na rin silang tatlong grandchildren – dalawa sa kanilang bunsong anak na si Andre at isa naman kay Fourth.

Last January 20, 2023, Atoy and Monette celebrated their 43rd wedding anniversary and looking forward to their golden anniversary seven years from now.

Iza, 40 and Bianca, 38, as new moms

BiancaIzaIza1Iza2MAGKASUNOD na nagsilang ang mag-sister-in-law actresses na sina Iza Calzado and Bianca King. Magkapatid ang kanilang respective husbands na sina Ben at Ralph Wintle.

It took couple Iza and Ben almost five years bago sila nagkaroon ng baby. The couple got married in Coron, Palawan on December 19, 2018 kung saan naman nagkakilala sina Bianca at nakababatang kapatid ni Ben na si Ralph.

Sina Bianca at Ralph ay ikinasal sa living room ng kanilang bahay in Sydney, Australia nung June 4, 2021 kung saan sila ngayon naka-base.

Baby girl na pinangalanang Deia Amihan ang first baby nina Iza at Ben. It was last March 29, 2023 nang ibahagi ni Bianca ang picture nila ng kanilang baby ni Ralph.

Iza became a mom at age 40 habang 38 naman si Bianca.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@

AUTHOR PROFILE