RK Bagatsing RK Bagatsing and Jane Oineza

Relasyon nina RK at Jane kumpirmado na

July 25, 2021 Aster Amoyo 80 views

IT was only last May 2021 nang ma-confirm ng netizens ang relasyon ng Kapamilya actors na sina RK Bagatsing (33) at Jane Oineza (25) nang mag-post ang dalawa doing their TikTok na may kasamang sweet kiss. Since then ay naging bukas na ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon. Ito’y sinundan pa ng post ni Jane sa kanyang Instagram referring to RK as her `source of inspiration’ on his 33rd birthday last May 9.

Sina RK at Jane ay unang nagkalapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa afternoon TV series ng ABS-CBN, ang “Precious Hearts Romances: Araw Gabi” nung 2018 na sinundan ng kanilang pagtatambal sa pelikulang “Us Again” in 2020.

Sa 25th birthday ni Jane last July 22 ay nag-post si RK ng sweet photos nilang dalawa. Masaya rin ngayon ang magkasintahan dahil pumasok ang character ni Jane as Rose na isang nurse sa tumatakbong hit primetime TV series na “Huwag Mangamba” kung saan kasama sa original cast si RK.

Jane started out as a commercial model since she was a kid. Naging bahagi rin siya ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”. She was five years old nang siya’y maging bahagi ng TV series na “Sa Dulo ng Walang Hanggan” in 2001 up to 2003 at nagtuluy-tuloy ang kanyang pagiging child star.

In 2013, Jane was relaunched ng Star Magic. Naging bahagi rin siya ng 2014 Pinoy Big Brother: All In (Teen Edition) where she placed 3rd big winner. The following year 2015 ay nabigyan siya ng kanyang first lead role sa TV series na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita”. Naging sunud-sunod din ang paggawa niya ng pelikula tulad ng “The Love Affair” in 2015, “Always Be May Maybe” in 2016, “Bloody Mary” ang “Haunted Forest” in 2017” at “Finding You” at “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” sa taong kasalukuyan.

Ang pagganap ni Jane sa “Manika” episode ng MMK ay nagbigay sa kanya ng dalawang magkahiwalay na international nomination bilang Best Actress sa New York Festivals at sa International Emmy Awards.

Naging bahagi rin ang commercial model-turned actress sa afternoon TV series na “Los Bastardos” in 2019 at kasama rin siya na malapit nang ipalabas na primetime TV series ng Kapamilya channel, ang “The Broken Marriage Vow” na tinatampukan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Rachel Alejandro at iba pa.

Samantala, taong 2012 pa nagsimula ang acting career ni RK sa pelikulang “Summer Party”. In 2014, he appeared sa isang episode ng “Wagas” ng GMA na sinundan ng TV series na “The Half Sisters” in 2015. Taong 2016 naman nang siya’y mapabilang sa cast ng morning TV series ng ABS-CBN, ang “Be My Lady” na nasundan ng ilang guestings sa “Ipaglabay Mo” drama anthology ng Kapamilya network. But it was in 2017 nang mabigyan siya ng kanyang pivotal role sa hit late afternoon TV series na “Wildflower” as Arnaldo Ardiente Torillo. The following year in 2018, napasama rin siya sa afternoon TV series na “Precious Hearts Romances: Araw Gabi” kung saan sila unang nagkasama ni Jane. In 2019, isa ring lead role ang ipinagkatiwala sa kanya sa TV series na “Nang Ngumiti ang mga Langit” na muling palabas ngayon sa afternoon block ng Kapamilya Channel. Last year, 2020 ay kasama rin si RK sa “I Got You” TV series bago ang kanyang present series na “Huwag Kang Mangamba”.

Si RK ay anak nina Ramon `Boy’ Bagatsing, Jr. at Marilou San Diego at nakababatang kapatid ng actor na si Raymond at Monina Bagatsing. Paternal grandfather naman nila ang dating longest-sitting mayor ng Maynila, ang yumaong si Ramon Bagatsing, Sr.

Heart hindi mahihirapan sa series nila ni Richard

TIYAK na masaya ang mister ng fashion icon, singer-actress , visual artist at socialite na si Heart Evangelista na si Sorsogon Governor Chiz Escudero maging ang mga taga-Sorsogon dahil ito ang napiling lugar at titulo ng unang tambalan sa isang TV series nina Heart at ng singer-actor at businessman na si Richard Yap, ang “I Left My Heart In Sorsogon”. Tampok din sa nasabing serye ng GMA sina Paolo Contis, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi at iba pa.

Richard Yap

Hindi mahihirapan si Heart sa kanyang bagong role as Celeste, isang young woman from Sorsogon na naging successful fashion designer and socialite sa Maynila habang si Richard naman ang gaganap na kanyang boyfriend as Tonito na isa ring celebrated personality.

Sa kabila ng malaking age gap (18 years) nina Heart at Richard, may chemistry ang dalawa tulad noon ng tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard sa hit morning TV series na “Be Careful with My Heart” in 2012 na tumagal hanggang 2014.

Kung si Heart ay may Chiz Escudero as husband, si Richard naman has his wife Melody and two grown-up children na sina Dylan at Ashley.

It was only last December 16, 2020 when Richard signed up with GMA after being with ABS-CBN for nearly a decade.

Si Heart ay dati ring homegrown talent ng ABS-CBN but she moved to GMA in 2008.

Samantala, nagsimula na rin ang lock-in taping ng “I Left My Heart In Sorsogon” at natutuwa ang cast maging ang director na si Mark Sicat de la Cruz dahil sa ganda ng lugar.

Ang masama at mabuti sa lock-in tapings

MAY advantage at disadvantage ang lock-in tapings and shootings ng mga TV and movie projects na siyang bagong set-up ngayon dahil sa pandemya. Ang advantage, madaling natatapos ang mga proyekto dahil available lahat ang cast, production staff and crew at lahat ng involved sa project sa iisang lugar na lahat dumaan sa proseso ng quarantine at swab tests. Ang disadvantage naman ay mas napapalaki ang gastos ng producer at ng TV network in terms of swab tests, hotel accommodation, food at iba pang gastusin from day one hanggang sa pagtatapos ng proyekto. Mapapalayo rin nang matagal (maximum of one month) ang lahat ng involved sa production at cast sa kanilang mga pamilya.

Dahil sa bagong lock-in set-up, wala nang nakakalagare ng proyekto kumpara noong wala pang pandemya at daig pa nila ang naka-house arrest habang sila’y nasa taping at shooting.

Pauleen ‘di apektado ng fake news kay Vic

MARAMI ang hanga sa actress-host na si Pauleen Luna (32) na hindi ito apektado sa kumalat na balita tungkol sa kanyang mister, ang veteran singer-songwriter, actor-comedian, host at producer na si Vic Sotto (67) linking her husband to former “Eat Bulaga” Dabarkad na si Julia Clarete who is happily married at matagal nang wala sa noontime show since 2016. Ayon sa nagpakalat ng maling balita, may anak umano si Bossing (Vic) kay Julia bagay na pinalagan na rin ng veteran actor-comedian at TV host at hindi umano nito sasantuhin ang nag-spread ng malicious na balita.

Pauleen Luna

Julia has a teen-age son na si Sebastian Uy (14) sa kanyang ex-husband na si Stephen Uy and has remarried in 2017 sa isang Irish national na si Gareth McGeown, isang executive ng Coca-Cola – Malaysia and Singapore na siyang dahilan ng pag-resign ni Julia sa “Eat Bulaga” in 2016 after being with the program sa loob ng sampung taon.

Vic and Pauleen started dating in 2011 but it was only in 2013 nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon. The couple shared their engagement in September 2015 and got married nung January 30, 2016. On November 6, 2017 ay isinilang naman ang kanilang supling na si Tali who is turning 4 sa darating na November 6, four days earlier sa ika-33rd birthday ni Pauleen.

Since the lockdown dahil sa Covid-19 coronavirus pandemic nung March 2020, bihirang lumabas ng bahay ang mag-asawa and they are both working from home. At kung kelan smooth sailing ang pagsasama ng mag-asawang Vic at Pauleen kasama ang kanilang daughter na si Tali ay saka naman `nabiktima’ si Vic ng fake news. Pero bago ito ay isa pang fake news ang lumabas na kesyo `patay’ na umano ang sikat na actor-comedian-TV host.

Masaklap na nakakakuha nga ng mataas na views ang nagpapakalat nito sa kanyang Youtube channel pero nakakasira naman siya ng buhay ng iba.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE