Default Thumbnail

Relasyon nina Raymart at Jodi tahimik

July 27, 2021 Aster Amoyo 552 views

LOW-key ang relasyon nina Jodi Santamaria (39) at Raymart Santiago (48) na pareho nang matagal na hiwalay sa kanilang respective partners na sina Panfilo `Pampi’ Lacson, Jr. at actress na si Claudine Barretto. Unang lumitaw ang balita tungkol sa dalawa nung March 2020.

Jodi was formerly married to Sen. Panfilo `Ping’ Lacson’s son na si Pampi, They got married in 2005 but got separated in 2010. They have a 16-year-old son, Thirdy. Si Raymart naman ay hiwalay na rin sa kanyang ex-wife na si Claudine Barretto. Ang dalawa ay ikinasal nung 2006 at nagkahiwalay nung 2013. Meron silang dalawang anak, ang kanilang adopted daughter na si Sabina (17) at biological son na si Santino (14).

Bago naging kasintahan ni Jodi si Raymart ay matagal niyang naging kasintahan ang actor-politician na si Jolo Revilla, anak ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Bacoor, Cavite Mayor na si Lani Mercado. Ang relasyon ng dalawa ay tumagal din ng anim na taon pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan. Jolo is now married to 2016 Bb. Pilipinas 1st runner-up Angelica Alita. The actor-politician has a 15-year-old son na si Jose Gabriel Bautista sa panganay na anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano. Si Gabriel bale ang kauna-unahang apo ng mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado.

Magkasunod ang kaarawan nina Jodi at Raymart. The actress turned 39 last June 16 at nitong July 20 lamang ang 48th birthday ng nakababatang kapatid nina Randy at Rowell Santiago at pareho nila itong ipinagdiwang quietly. Ka-birthday (July 20) ni Raymart ang kanyang ex-wife na si Claudine Barretto.

Aiko tatakbo sa Kongreso

FOURTEEN years old na ang bunsong anak ng actress-politician na si Aiko Melendez sa kanyang second ex-husband na si Martin Jickain na si Marthena at isang simpleng salu-salo ang naganap kamakailan lamang kung saan present pareho sina Aiko at Martin. Naroon din ang present boyfriend ni Aiko na si Zambales vice-governor Jay Khonghun maging ang panganay na anak ng actress sa kanyang ex-husband na si Jomari Yllana na si Andre Yllana (22).

The actress-politician maintains a good relationship with her two ex-husbands na sina Jomari at Martin dahil na rin sa kanyang dalawang anak na sina Andre at Marathena. Si Jay naman ay may isa ring anak na si Justine Jefferson sa kanyang ex-wife na close sa mga anak ni Aiko na sina Andre at Marthena or Mimi.

Samantala, although babalik si Aiko sa lock-in taping ng Book 2 ng “Prima Donnas,” abala rin ito sa pag-iikot ngayon sa ika-5th district ng Quezon City kung saan siya tatakbo sa pagka-kongresista sa 2022 elections. Bukod sa sarili niyang kampanya, tutulong din siya sa kandidatura ng kanyang nobyo na si Jay Khonghun na tatakbo rin sa pagka-kongresista sa lone district ng Zambales.

Bela sumama sa BF sa Switzerland

FILIPINA-British actress Bela Padilla left the Philipines recently to join her Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay in Switzerland kung saan ito naka-base. Wala pang ibinibigay na detalye ang actress, writer at bagong film director kung for good na ang kanyang pananatili roon to start a new life with her boyfriend na nakilala niya in 2017 sa Switzerland habang ginagawa niya ang pelikulang “Meet Me In St. Gallen” with Carlo Aquino.

Iniwan ni Bela sa Pilipinas ang pelikulang “Spellbound” with Marco Gumabao under Viva Films and her directorial debut na “366” which she wrote and co stars with Zanjoe Marudo and JC Santos.

Samantala, nasa Switzerland din ngayon at nagbabakasyon ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai and they also got reunited with Bela there.

Prince Harry maglalabas ng libro sa isang taon

THE Duke of Sussex, Prince Harry is releasing his memoir book in 2022 na siya ring taon ng celebration ng kanyang grandmother na si Queen Elizabeth II para sa kanyang Platinum Jubilee. Ito rin ang taon ng 25th death anniversary ng ina nila ni Prince William na si Diana, Princess of Wales.

Prince Harry was only 12 years old at 15 naman si Prince William nang sumakabilang buhay ang kanilang ina sa isang tragic car accident in Paris nung 1997.

Kamakailan lamang ay bumalik si Prince Harry sa U.K. early this month to unveil a statue of Princess Diana sa garden ng Kensington Palace kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Prince William.

Samantala, American-born ang second child nina Prince Harry at dating American actress na si Meghan Markle na si Lilibet Diana Mountbatten-Windsor na isinilang sa Santa Barbara, California, USA last June 4. Two years old naman ang kanilang panganay na si Archie Harrison Mountbatten-Windor na isinilang naman ng Royal couple sa United Kingdom. Pinag-iisipan naman ngayon nina Prince Harry at Meghan kung sa U.K. gaganapin ang binyag ni Lilibet.

Magmula nang mag-move out sa British royal family sina Prince Harry at Megan, Duke and Duchess of Sussex to settle in the U.S. ay hindi pa bumabalik ng United Kingdom si Meghan habang nakakadalawang beses naman na si Prince Harry. Una royal wake and burial ng kanyang grandfather na si Prince Philip, Duke of Edinburgh last April 2021 at pangalawa sa unveling ng statue ni Diana, Princess of Wales kamakailan lamang.

Lock-in taping ng ‘Doctor Foster’ nagsimula na

NAGSIMULA na ang lock-in taping sa Baguio ng Philippine adaptation ng hit BBC One TV series na “Doctor Foster,” ang “The Broken Marriage Vow” na tinatampukan nina Jodi Santa Maria, Zanjoe Marudo, Zaijan Jaranilla at Sue Ramirez mula sa pamamahala ng 2018 “Glorious” director na si Connie Macatuno. Kasama rin sa cast sina Art Acuna, Ketchup Eusebio, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandito Martin at iba pa under Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

Ang Pilipinas ang ika-anim na bansa na nag-adapt ng “Doctor Foster” which also include France, Russia, Turkey, India at South Korea with “The World of The Married” na ang Tagalog-dubbed version ay ipinalabas ng ABS-CBN.

‘Ate Shawie’ sumakabilang-buhay na

SUMAKABILANG-buhay na ang impersonator ng megastar na si Sharon Cuneta na si Ate Shawie, Marvin Martinez sa tunay na buhay.

Si Ate Shawie ay binawian ng buhay last Monday, July 26 ng hapon matapos ang kanyang matagal-tagal na pakikipaglaban sa kanyang sakit sa liver. Pero ang mas nakakalungkot, walang-wala ang pamilya ni Ate Shawie at may barayin pa sila sa hospital maging sa burol at libing ng singer-comedian.

Umaasa ang naiwang mga kaanak ni Ate Shawie na ito’y makakarating mismo sa idolo ni Ate Shawi na si Mega (Sharon Cuneta) maging sa mga kasamahan at kaibigan ng namayapang singer-comedian.

Bukod sa pagiging stand-up comedian, si Ate Shawie ay nakagawa rin ng ilang pelikula tulad ng “Kung Ikaw ay Isang Panaginip” in 2002, “I Love Dreamguyz” (2009) at “Kusina Kings” (2018). Nakapag-guest din siya sa iba’t ibang programa sa telebisyon at nakapagtanghal sa ibang bansa.

AUTHOR PROFILE