Julia

Relasyon nina Joshua at Bella hayag na

October 4, 2022 Aster Amoyo 163 views

KUNG may tatlong taon na ang relasyon ni Julia Barretto (25) sa actor-entrepreneur na si Gerald Anderson (33), ang ex-boyfriend naman ni Julia, ang young matinee idol na si Joshua Garcia (24) ay ngayon pa lamang nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ng non-showbiz girl at social media influencer na si Bella Racelis (20).

Matagal ding tahimik ang lovelife ni Joshua matapos ang kanilang break-up ni Julia sometime in April 2019.

Last Sunday, October 2 ay nag-viral ang picture ng ‘Darna’ leading man kasama si Bella na magka-holding hands habang namamasyal sa isang high-end mall in Makati City.

Una silang natsismis sa isa’t isa last August.

Coco

John inuna ang Korean rapper kaysa kay Coco

HINDI nakasama ang actor-director and entrepreneur na si John Prats sa grupo ni Coco Martin with the Agila team ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Amerika dahil naging busy siya sa preparasyon ng pagdidirek ng first Manila concert ng South Korean-American rapper-singer and entertainer na si Jessi (Jessi Jo) na ginanap sa SM MOA Arena last September 30, 2020. It was a sold-out concert.

Ito bale ang kauna-unahang pagkakataon ni John na magdirek ng isang major concert featuring a popular K-pop artist.

Bago pa man nagtapos ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay hinayaan din siya ni Coco na idirek ang ilang eksena ng longest-running action-drama series maging ang isa pa nilang kasamahan sa serye na si Michael de Mesa na isa ring actor-director.

John, who is married to actress Isabel Oli at meron na silang tatlong supling, sina Lily Feather, Freedom at Lila Forest, was also offered to direct ‘It’s Showtime’ pero hindi na niya ito itinuloy dahil hindi niya maiwan ang “FPJ’s Ang Probinsyano” which was on a lock-in taping out-of-town for months.

Hermes

Karanasan ni Sharon nangyayari sa ibang Filipino

ANG naging experience ng megastar na si Sharon Cuneta sa isang Hermes store in South Korea kung saan sana niyang balak bumili ng belt ay hindi na bago laluna in Hong Kong where a lot of Chinese sales staff are discriminating laluna pagdating sa Filipino customers na madalas nilang i-identify as domestic helpers.

Although marangal ang trabaho ng mga domestic helpers, masyado itong nilu-look-down ng mga Tsino in Hong Kong.

We also had our unforgettable experience sa isang Louis Vuitton shop in Hong Kong kung saan kasama ko ang daughter kong si Aila Marie several years ago.

Alam ng daughter kong si Aila ang penchant ko for Louis Vuitton bags kaya pumasok kami sa isang LV shop. At that time, wala akong planong bumili kundi para magtingin-tingin lamang.

Pagpasok namin ni Aila, may sumunod na Ilang Japanese nationals pero nauna kaming dumating at nag-inquire sa isang LV damier wallet. Sa halip na kami ay asikasuhin ay tinalikuran kami ng sales staff at hinarap nito ang Japanese customers instead of us. Napahiya kami at napilitan kaming magtaas ng boses kaya agad kami hinarap ng sales staff at agad inabot sa amin ang wallet na gusto naming makita.

Sa galit namin (although this is not proper), napilitan kaming iabot ang aming credit card para bayaran ang wallet kahit wala kaming intention na bilhin ito. The sales staff apologized to us after we paid the wallet.

At that point, we just wanted to prove a point (at my pocket expense). Walang karapatan and sinuman na matahin ang mga Pinoy kahit saan, domestic helper man o hindi dahil may dignidad tayong dapat nilang irespeto.

Kung nangyari sa isang megastar tulad ni Sharon ang naging experience niya sa isang Hermes store in South Korea, how much more ang mga ordinary-looking Filipinos?

Samantala, dahil hindi pinapasok si Sharon sa Hermes store, pumunta siya sa katabing store ng Louis Vuitton at nag-ala Julia Roberts sa pamimili ng mga LV products at saka siya pumasok sa Hermes store bitbit ang mga LV items na kanyang pinamili na ikinagulat marahil ng mga sales staff ng Hermes na ang-isnab sa kanya.

Sandro at Alexa muling nakita sa Singapore

MUKHANG hindi maikakaila na talagang may ugnayan sa isa’t isa ang Presidential son at kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Norte na si Sandro Marcos at Alexa Miro dahil muling namataan ang dalawa sa Singapore na magkasama

Wala naman sigurong masama kung maging girlfriend man ni Rep. Sandro si Alexa dahil pareho naman silang single.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of ‘TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE