Divine

Reklamo ng dating tauhan, kinontra ng kampo ni Mommy Divine

December 20, 2022 Vinia Vivar 355 views

Itinatanggi ng kampo ng ina ni Sarah Geronimo ang unfair labor practice na inirereklamo ng isang dati niyang tauhan.

Ang nasabing tauhan ay nagsalita kay Ogie Diaz three days ago.

Inirereklamo ng tauhan ang pamamalakad at pagtrato ni Mommy Divine sa mga empleyado tulad ng hindi pagbabayad ng 31st ng buwan, walang overtime pay, walang double pay, delayed ang sahod, hindi nagbabayad ng government mandated benefits, ginigising ang tao kahit oras ng pahinga para lang magbaba ng mga dala niya, pinapakain umano ang mga tao niya ng paa ng manok nang paulit-ulit at ulo ng manok at marami pang ibang reklamo.

Itsinika ni Ogie na nakausap nila sa telepono ang isa sa mga empleyado ni Mommy Divine na siyang nagsalita para sa panig ng kanyang amo.

Ayon sa empleyado, family driver ng mga Geronimo ang complainant.

Umalis na raw ito noon pero nakiusap muli kay Mommy Divine na magtrabaho at tinanggap naman ng amo.

Pero after five months ay bigla na lang daw itong umalis nang walang paalam at sinabing resigned na siya.

Iniwan lang daw at susi at babalikan na lang ang mga gamit.

Ang nasabing driver ay marami raw violations. Hindi rin daw totoo na hinu-hold ng kumpanya ang last pay at mga gamit dahil pwede itong makuha any time.

Fixed daw ang monthly rate ng driver at hindi totoong hindi bayad ang 31st day of the month.

Sa issue ng delayed na pasweldo, kung may pagkakataon daw na mahuli ang bigayan ay isang araw lang naman nade-delay dahil kung minsan ay nasa farm sina Mommy Divine at nag-aabiso naman ito if ever.

Ibinalita rin na tuluyan nang nagsampa ng complaint sa DoLE (Department of Labor & Employment) itong dating tauhan na ito na nagrereklamo.

Naka-schedule na umano ang hearings ng naturang kaso sa January 5 at January 12, 2023.

Ipinakita pa ang dokumento kung saan nga ay nakasaad na sinampahan ng reklamo ng tauhan ang kumpanyang John Grasher Merchandising, Inc. na pag-aari umano ni Mommy Divine.

Ayon pa raw sa tauhan ay desidido siya talagang ilaban ito hanggang huli.

Well, sa ngayon ay hindi pa natin alam kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi sa kanila pero anu’t anuman, sana ay ayusin na lang nila ito at magkaroon ng mutual agreement.

PUSPUSANG PAGHAHANDA

Puspusan na ang paghahanda ng Kapuso stars na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez para sa kanilang upcoming action-adventure series.

Paniguradong sasabak muli sa maaaksyong eksena ang former Encantadia Sang’gres kaya nagsimula na ang kanilang training at nagkaroon na rin ng script reading para ma-visualize at madama ang kani-kanilang role.

Bago ang taping, sumalang na rin ang cast sa “look test.”

Ano kayang mga pasabog ang inihanda nila para sa “Mega Serye” na ito?

Tiyak na aabangan din ng Kapuso viewers ang kanilang mga susuoting costume.

Abangan ang kanilang muling pagsasama sa serye sa GMA-7 soon.

AUTHOR PROFILE