Regine tinanggap ang sorry ng ABS-CBN digital team
Nagpadala ng bulaklak with matching note of apology ang ABS-CBN Digital Team kay Regine Velasquez dahil sa umano’y pagkakamaling nagawa.
Ito ay matapos ‘magwala’ ang fans ng Asia’s Songbird dahil sa poster na inilabas ng digital team para sa MYX Music Awards 2024.
Makikita sa poster (na deleted na ngayon) ang official presenters MYX Music Awards at kabilang nga rito si Regine.
Kapansin-pansin sa nasabing poster na nasa pinakahuli sa ibaba ang larawan ni Regine kahilera ng iba pang presenters na sina Elijah Canlas, Gloc-9, Chloe San Jose, Alexa Ilacad at KD Estrada.
Ang mas naka-highlight ay ang mas malaking larawan at names sa itaas na kinabibilangan naman nina BINI members Jhoanna at Maloi, James Reid, “Pinoy Big Brother: Gen 11” big winner Fyang Smith.
Of course, hindi ito katanggap-tanggap para sa fans and supporters ni Regine at kahit nga non-fans pa ni Songbird na mas nauna pa ang names ng young talents kesa sa itinuturing nang isang icon sa music industry.
Para sa netizens, isa itong malaking insulto at pag-disrespect sa mga na-contribute ni Regine sa music industry pati na rin sa mga karangalang naibigay niya sa bansa.
“Kahit hindi Regine fan or ‘yung mga casuals, nabastusan din talaga sa ginawa na’to ng @myxglobal sa THE Regine Velasquez. Recipient ng MYX Magna Award si Regine, tapos babastusin lng ng ganyan. Wala akong pakialam kung binura nyo na yung photo. BASTOS kayo, Myx! BASTOS KAYO!” ang galit na komento ng isang netizen sa X.
“Not against sa kahit n sino sa mga nasa itaas ng digital poster n yan pero si Ms. Regine? Gloc 9? siningit nio lang? grabehan naman yang pagkakamaling yan, jusko music yang usapan fyi,” sey naman ng isa pa.
“Kabastusan talaga yan. Mga walang respeto sa tunay na haligi ng music industry ng Pinas! Hindi nag-iisip yung gumawa niyan at di ko malaman bakit naapprove!” pag-alma ng isa pang X user.
In fairness naman kay Regine ay tahimik lang siya at parang hindi siya bothered.
In fairness din sa ABS-CBN Digital Team ay inamin nila ang kanilang pagkakamali at humingi ng dispensa kay Regine.
Ipinost ni Songbird sa Instagram ang larawan ng flowers at apology note na ipinadala sa kanya ng digital team.
Nakasaad sa note na, “Dear Ms. Regine, we would like to apologize for the oversight in the promo material we released yesterday. We have deep respect and admiration for your craft and the remarkable contribution you have given the music industry. We will strive to do beter moving forwand. Maraming salamat po sa inyong pag unawa.”
Tinanggap ni Regine ang apology at nagpasalamat pa sa ABS-CBN Digital Team.
“Thank you so much for the beautiful flowers again you guys didn’t have to but I appreciate it,” caption ni Songbird.
Nakatulong naman ito para kumalma ang fans ni Regine pero ang iba’y hindi pa rin talaga humuhupa ang galit at panay pa rin ang rant sa socmed.
Anyway, ginanap ang MYX Music Awards 2024 last Thursday, Nov. 21, at dumalo naman si Regine.