Ogie

Regine sa mga nagwi-wish na maghiwalay sila ni Ogie: It’s so mean

October 14, 2022 Vinia Vivar 391 views

Para sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, okay lang na siya na lang ang i-bash, huwag lang ang pamilya niya, lalung-lalo na ang asawa niyang si Ogie Alcasid.

Nakausap namin ang mag-asawa last Wednesday night sa backstage ng 13th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kung saan ay pareho silang tumanggap ng award.

Isa nga sa napag-usapan sa panayam ay ang pagpatol ng Songbird sa mga basher, especially ‘yung mga naghahangad na maghiwalay silang mag-asawa.

“Dapat, actually, hindi ko na pinapansin, pero… Kasi ‘pagka ‘yung ako, ako ‘yung pipintasan or whatever. Kung ako, parang I don’t really mind, I’m used to it. But kung ‘yung family ko, especially ‘yung asawa ko, nati-trigger ako,” simula ni Regine.

“I mean, don’t get me wrong, our relationship is not perfect. Wala namang relasyon na perfect, eh. Pero parang to wish that (ang maghiwalay sila) in a couple para sa isang couple na… obviously we’re trying to work at our relationship, parang ang mean. It’s so mean,” dagdag niya.

Sa dami ng pinagdaraanan ng bansa, ani Regine ay ito pa ang mentalidad ng ibang tao.

“Ang dami na nating pinagdaanan, my gosh! Ang daming nabawas sa atin, namatayan tayo, ang daming nawala sa atin, hanggang ngayon ba, ganu’n pa rin? Hindi pa ba tayo natuto?

“Hindi ba dapat, more than anything else, mas maganda if we try to encourage each other and support each other knowing that ang dami sa ating may pinagdaanan? Lahat tayo. Depression, lahat, anxiety. Dinaanan natin lahat ‘yan.

“Hanggang ngayon, ganu’n pa rin tayo. Parang hindi tayo natuto. So, nakaka-sad,” she said.

Ayon naman kay Ogie, natatawa na lang siya sa mga basher at tanggap niya na hindi lahat ng tao ay magugustuhan sila.

“That’s why, I tweeted something like ‘keep the ones that care about you close to your heart because they matter.’ Kasi, ‘pag binigyan mo ng energy ‘yung kanegahan, ikaw lang ‘yung napagod, eh, ‘di ba?” sey ni Ogie.

Hirit naman ni Regine, “Ako, hindi ako napagod,” sabay-tawa.

Sey pa niya, mabait lang talaga ang mister niya.

Samantala, si Ogie ang isa sa mga nagwaging Male Concert Performer of the Year para sa Kilabotitos concert.

Ka-tie niya si Daniel Padilla para sa Apollo concert sa 13th PMPC Star Awards for Music.

Si Regine naman ang Female Concert Performer of the Year para sa Unified concert nila ni Sarah Geronimo.

Kim

PINARANGALAN

Tumanggap ng plaque of recognition si Kim Chiu kamakailan para sa kanyang hair donation drive for cancer patients mula sa European Hair Factory at Philippine General Hospital.

Isa ito sa mga naging highlight ng intimate media launch ng Lifestrong Hairfix kamakailan.

Kasama ni Kim na tumanggap ng plake ang Lifestrong general manager na si Marge Lee at president na si Lance Lee.

Ang nasabing produkto ay nakatutulong sa paglago ng buhok ng mga cancer patient.

“Gusto talaga ng Lifestrong and ni Ms. Marge na magkaroon ng magandang hair ang lahat. And, of course, ang mga cancer patient hindi talaga maiiwasan na magkaroon sila ng hair loss at mawalan sila ng confidence sa sarili nila na ‘wala na kaming hair kaya hindi na kami lalabas ng bahay,’” ani Kim.

Dagdag pa niya, “I’m very happy kasi hindi lang siya nagpapaganda ng hair ko kasi nagbibigay rin siya ng hope for the cancer patients.”

Dumalo si Kim sa naturang launch kasama ang beauty pageant titleholders na sina Miss World PH 2021 Tracy Maureen Perez at Miss Hispanoamericano PH 2022 Ingrid Santamaria.

Present din ang ibang influencers na sina Quel Palomo, Nikki Tiu at Patricia Parian ng Momshies Diary, gayundin ang Tiktok Influencers na sina Grace Uy, Aika Legaspi, Mica Abacan, Jaymie Cruz at Jaymee Javier.

Ibinahagi ni Kim at ng mga beauty queen ang kanilang sikreto upang makuha ang perpektong kulot at tuwid na buhok.

Ang mga beauty influencer naman na sina Kris Lumagui at Lolly Isabel ang dalawa sa namuno para ibahagi ang tips at kung paano nakatulong ang Hairfix sa pag-solve ng hair problems.

AUTHOR PROFILE