Regine

Regine sa collab nila ni Stell: Kumapit kayo

January 15, 2025 Vinia Vivar 86 views

Regine1As usual, working Valentine’s Day na naman for Regine Velasquez ang Feb. 14 dahil mayroon siyang four-night concert series na magsisimula sa mismong Araw ng mga Puso.

As a concert performer, hindi na bago sa Asia’s Songbird ang nagtatrabaho tuwing ganitong okasyon dahil madalas nga itong nangyayari.
Regine’s upcoming Valentine concert is titled “Reset” na gaganapin sa Feb. 14 at 15, Feb. 21 at 22 sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit, Makati.

Sa mediacon nitong Tuesday, ipinaliwanag ng Songbird ang four-night concert, “’Yung Feb. 14, which is Valentine’s Day, and the first night of the concert, it would be all originals (songs), ‘yun ‘yung part 1. And then, ‘yung part 2, which is the 15th, it would be the covers. So, ‘yun ‘yung mga R2K, ‘yung mga retros.”

Ibinalita nga rin ni Regine na ang isa sa mga dapat abangan sa concert ay ang guesting ni Stell ng SB19 sa Feb. 21.

“Meron kaming very special song ni Stell. Kumapit kayo,” sey ni Songbird.

Puspusan na nga ang paghahanda ni Regine at sey niyang natatawa, “Ngayon na medyo jonders (matanda) na ako, siyempre, kailangan, mas may preparation. Kasi iba na ‘yung katawan natin. Nag-iba na rin ‘yung boses mo.”

Kailangan daw na may everyday walking siyang ginagawa as part of her exercise at talagang lagi siyang niyayaya ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.

“He (Ogie) urges me talaga to exercise everyday, to walk every day, in preparation for the concert. Kasi, dapat, hindi ako hinihingal, eh. Kahit na hindi ako magsasayaw, nakakahingal pa rin,” aniya.

Siyempre, kasama rin sa preparasyon niya ang pag-aaral ng kanyang repertoire.

Sinusunod din niya ang mga ipinagbabawal sa kanya tulad ng maaasim na pagkain. Bawal na bawal daw ang suka.

“Kasi, may acid reflux ako, eh,” sey niya.

Bukod sa nasabing concert, isa sa mga nilu-look forward ng Songbird ay ang pagbabalik niya sa acting this year.

“Parang iniisip ko, if there is an offer and if the role is right, if the role is good, I will surely think about it. Kasi, parang ang tagal ko na ring… mga five or six years na hindi umaarte,” she said.

Samantala, sa mga nais bumili ng tickets for “Reset,” available na ang mga ito sa Ticketworld.

HACKED ACCOUNT NI ANGEL ’DI PA NA-RECOVER

Update sa na-hack na X account ni Angel Locsin: Hindi pa rin ito nare-recover, ayon sa mister ng aktres na si Neil Arce.

Nag-tweet kasi ang hacked account ni Angel ng, “Got my acc back! thank you for massive sharing! Love.”

Sa Instagram Story ni Neil ay pinabulaanan niya ang nasabing post.

“Account not yet recovered. We will be the one to inform everyone if we got it back already,” paglilinaw ng hubby ni Angel.

Matatandaan na nitong Jan. 13, nang ma-hack ang X account ni Angel, ay ipinagbigay-alam agad ni Neil sa publiko ang nangyari.

“X account of Angel was hacked,” ang post ni Neil sa kanyang IGS.

NAGBABAGANG PAGKILATIS

Napakikinggan na muli sa Super Radyo DZBB 594 kHz ang “Ikaw Na Ba? The Senatorial Interviews.”

Sa pamamagitan ng mga interview rito, kikilatisin ng mga batikang radio anchor na sina Joel Reyes Zobel, Rowena Salvacion at Melo del Prado ang mga kandidato para sa darating na midterm senatorial elections ng 2025.

Alamin ang kanilang plataporma sa mga nagbabagang usapin tulad ng national security, economic policies at iba pang isyu sa lipunan.

Mapapakinggan nang live ang “Ikaw Na Ba? The Senatorial Interviews” sa Super Radyo DZBB 594 kHz mula Lunes hanggang Biyernes, 8 to 9 a.m., pati sa Super Radyo Cebu, Super Radyo Davao, Super Radyo Iloilo, Super Radyo Palawan, Super Radyo GenSan at Super Radyo Kalibo.

Mapapanood din ang programa sa Facebook Live (Super Radyo DZBB 594 kHz), YouTube (@dzbb594) at sa Dobol B TV sa GTV.

AUTHOR PROFILE