Kim

Regine, napapatunganga kay Kim

September 27, 2022 Vinia Vivar 96 views

Regine

Si Kim Chiu pala ang pinaglihian ni Asia’s Songbird Regine Velasquez habang nagbubuntis sa anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.

Ibinunyag ito ni Regine sa episode ng Magandang Buhay kung saan ay guest nila si Kim.

“Gusto ko lang sabihin na nu’ng buntis ako, pinaglihian ko kasi siya,” sey ni Songbird.

She also revealed na fan na fan siya ni Kim noon pa. Kaya nga raw pumayag siyang kantahin ang theme song ng seryeng My Binondo Girl na pinagbidahan ni Chinita Princess at boyfriend na si Xian Lim.

That time ay nasa GMA-7 pa si Songbird.

“Kinanta ko talaga ‘yon kasi fan na fan ako. Tapos ‘yung gustung-gusto ko talaga siya. I just wanted to sing the theme song of her soap,” kwento ni Regine.

Ayon pa kay Songbird, hindi siya nagkamali sa paghanga kay Kim.

“Alam mo ‘yung ‘pag nami-meet mo ‘yung hinahangaan mo ‘tapos parang pagka tinitignan mo, ‘yung parang hindi ako nagkamali kasi mabait.

“’Di ba, parang matutuwa ka rin. Parang, ‘Ay, ‘di ako nagkamali, ang bait,” sey pa ni Momshie Regs.

“Nakakatuwa, nakaka-proud,” sambit pa ng singer/actress.

Sey pa niya kay Kim, “I just want you to know that I have been a fan, bata ka pa lang.”

Parang matutunaw naman si Kim at hindi alam ang gagawin sa mga papuri ni Regine lalo nang sabihin pa ni Songbird na “kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nga medyo nai-starstruck ako, kaya nakatunganga lang ako.”

Pati nga raw si Ogie na kasama na ngayon ni Kim sa It’s Showtime ay tuwang-tuwa sa girlfriend ni Xian.

“’Tapos yung asawa ko tuwang-tuwa sa kanya kasi ang bait-bait daw talaga,” ani Regine.

Mensahe ni Regine kay Kim, “But you do inspire a lot of people, like ako. Kahit mas matanda ako sa iyo, nai-inspire mo rin ako.”

Samantala, ngayong Miyerkules, Sept. 28, na magsisimulang mapanood sa mga sinehan ang balik-tambalang Kim-Xian na Always sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao para sa Viva Films.

AGARANG AKSYON

Mabilis na umaksyon ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa ilang lugar na sinalanta ng Super Typhoon Karding.

Bilang bahagi ng kanilang Operation Bayanihan project, namahagi ang GMAKF ng relief packs sa mga apektadong residente ng Infanta, Quezon.

Papunta na rin ang iba pang team ng GMAKF sa mga bayan ng Dingalan at Baler sa Aurora.

Nagsagawa rin ng feeding program para sa mga inilikas na residente sa Obando, Bulacan at Bagong Silangan, Quezon City.

Magtutungo naman sila sa Polillo Island para magbigay ng tulong habang nananatiling nakabantay sa iba pang lugar na mangangailangan ng agarang relief operations.

Sa mga nais mag-donate, maaaring magdeposito sa iba’t ibang bank accounts ng GMAKF, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Bisitahin lamang ang official website ng Kapuso Foundation para sa kumpletong detalye.

AUTHOR PROFILE