Regine

Regine kahanga-hanga ang pagiging humble

November 24, 2024 Joey Aquino 88 views

HINDI lahat ng artista kayang aminin na laos na sila. But not with Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

In her recent TikTok video, Regine admitted that she is no longer in her prime. Ayaw daw niyang lokohin ang sarili niya. Aware daw siya kung saan siya ngayon sa industriya. And it takes a humble heart to say that.

Kamakailan, nasangkot sa hot issue ang OPM icon dahil sa inilabas na promo material para sa MYX Music Awards 2024. Inalmahan ito ng ilang netizen dahil sa billing ng mga presenters, na kung saan mas malaki pa ang photo at pangalan nina James Reid at ng iba pang baguhang artists. Kaagad naman nagpaumanhin ang pamunuan ng ABS-CBN Digital kay Regine dahil dito. Kung noon ito nangyari, tiyak na mismo ang kampo ni Regine ang magwawala ‘pag hindi tama ang billing sa kanya. Pero ngayon, “it’s no longer my time” lang ang naging kalmadong sagot ni Songbird kaugnay sa isyung ito.

Sa totoo lang, hindi naman siya nawala sa eksena. Yes, it can’t be denied that her star dimmed a bit, especially when Sarah Geronimo entered the scene. Pero hindi naman siya gumawa nang kung ano-anung eksena o gimik para pag-usapan siya, gaya ng ibang artista na feeling nila nasa prime pa sila ng kanilang career. Kahit na naging malaking threat si Sarah sa kanyang career, hindi naging madamot si Regine sa pagsuporta kay Pop Star Royalty. Pinatunayan niya ito nang nanood siya noon sa concert ng huli na kung saan binigyan niya pa iton ng mahabang pearl necklace. And that captured moment is now circulating online.

What she wants to do now is to serve as mentor to aspiring and young artists, sharing her 40-year experience in the entertainment industry. Sa katunayan, madalas siyang mag-guest sa mga concert ng mga baguhang singers. And that’s how generous she is.

Regine’s humility is truly admirable. What makes her happy and still in the running is she knows where she stands now in the industry. Napanood na kaya ito ng ibang artista na feeling nila nasa prime pa sila ng kanilang career? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE