Maynila GIFT GIVING-Pinangunahan nina National Press Club (NPC) President Lydia Bueno at Secretary Paul Gutierrez at Manila Police District Director, Police Brig. Gen. Andre P. Dizon bilang guest of honor ang pamimigay ng bigas at mga grocery items, kasama ang mga opisyal ng NPC at kaakibat ang Lions Club ng Pasay City at Philippine Fujian General Business Association ng Binondo. Kuha ni JON-JON REYES

Regalong handog ng NPC sa mga Batang Maynila

December 3, 2022 Jonjon Reyes 238 views

AABOT sa mahigit kumulang na isang libong pamilya mula sa Baseco Compoud sa Port Area, Intramuros District 5 at Binondo sa Maynila ang nabigyan ng maagang pamasko na handog ng National Press Club (NPC) umaga nitong Sabado sa Intramuros, Manila.

Pinangunahan ni Lydia Bueno, NPC president, kasama sina Paul Gutierrez, NPC secretary, at 10 nilang mga opisyal, kaakibat ang Lions Club ng Pasay City at ang Philippine Fujian General Business Association, ang pamimigay ng bigas at mga grocery items.

Kabilang din sa dumalo sa gift giving ay si Manila Police District (MPD) Director, PBGen. Andre P. Dizon kung saan isa siya sa guest of honor sa ginawang “Love and Care Gift Giving Program” na ginanap sa loob ng compound ng NPC sa Intramuros, Manila, pasado alas 9 ng umaga.

Naging maayos at mapayapa ang isingawang programa dahil na rin sa pagbabantay ng mga kapulisan ng Intramuros PCP sa pamumuno ni Police Capt. Anthony Abundo, matapos siyang maatasan ni PLt. Col. Leandro Gutierrez, commander ng MPD Station 5.

Ayon naman sa grupo ng Philippine Fujian General Business Association at ng Lions Club ng Pasay City, natuwa sila dahil matagumpay na naipagkaloob ang kanilang munting regalo sa mahigit kumulang na 1,000 pamilya mula sa iba’t ibang barangay ng Distrito 5 at ng Binondo sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE