Regalo sa Pasko
BINULAGA ng sexy star na si Apol Salangad ang internet matapos siyang mag-post ng larawan na tila nagbibigay ng maagang Christmas gift sa kanyang fans. Sa caption na, “6 days to go before CHRISTMAS DAY,” sabay ang kanyang Christmas-inspired bikini at glowing na katawan, literal na binuhay ni Apol ang diwa ng Pasko para sa kanyang mga tagahanga.
Suot ang pula at puti niyang festive two-piece, tila siya ang sagot sa dasal ng maraming kelot ngayong holiday season.
Dagdag pa rito, ang kanyang flawless na kutis at pang-diwatang pose ay nagbigay ng total holiday glow-up sa feed ng kanyang mga followers.
“Wow! idol ung aginaldo ko?” pabirong sabi ng isang netizen. “Kinis na sexy pa at ang ganda pa,” ani pa ng isa. Dumagsa ang libo-libong likes at comments, na mas nagpapasiklab sa viral na larawan ni Apol.