
REDy to serve
KUNG usapang paghahain ng “body, body, body,” aba ready palagi ang sexy star na si Sunshine Guimary diyan.
Sino ba namang barakong hindi mababaliw sa mga pagpapatakam ng hot actress sa social media.
“REDy to serve” ang naging atake ni Sunshine mula sa mga bikini photos na ibinida nito sa isang IG post.
Bida ang perpektong hubog ng kanyang katawan habang suot-suot ang two-piece red bikini.
Namintana ang kanyang dyoga sa larawan, tila bet na bet ng mga ito na mag-hello sa mga male fans ni Sunshine na izo-zoom na naman ang pictures niya.
Bukod sa kanyang mga bola, solid din ang nakakasilaw niyang kakinisan. Pati ang hubog niya, talaga namang hindi aayawan.
Masagana sa katambukan ang mga bahagi ng kanyang katawan na suki sa mundo ng pantasya ng mga nasa opposite sex.
Hindi magkandaugaga ang mga kalalakihan sa kanyang post. Ang gaya ni Sunshine ay tila isang bagyong may hatid na kaseksihan. Ang kanya tuloy comment section ay binaha ng fire emojis at mga puso ng netizens.
Nakilala si Sunshine sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kaka (2021), Shoot shoot! Di ko siya titigilan! (2021), at House Tour (2021).