
‘Recruiter’ ng model huli sa rape, robbery
ARESTADO ang isang negosyanteng nagpakilalang konektado diumano sa “commercial modeling” matapos biktimahin ang isang magandang dalaga na sapilitang dinala sa isang motel saka inabuso at ninakawan pa umano matapos makipagkita sa isang mall sa Biñan City, Laguna, Martes Hunyo 27.
Ayon kay Laguna Police Provincial Office (PPO) Officer-in-Charge (OIC) director Police Col. Randy Glenn Silvio, ay suspek ay pawang naninirahan sa Biñan City.
Sa inisyal na ulat, matapos ang pangyayari at panggagahasa umano sa biktima, ay saka ito iniwan ng suspek sa isang motel sa Sta. Rosa, Laguna.
Agad humingi ng tulong ang biktima sa Biñan City police kung saan nagsagawa ng follow-up operation sa suspek na agad nadakip sa kanyang tahanan.
Ayon sa pahayag ng biktima sa pulisya, dakong alas 11:00 ng gabi ng magtagpo ang sila ng suspek sa isang mall sa naturang lugar kung ssan agad itong pinasakay sa kotse para sa kanilang “business proposal.”
Nagpakilala umano ang suspek na “konektado” sa industriya ng pagmomodelo at nangako ito na may P100,000 umano makukuha sa bawat kontra.
Samantala, habang nakasakay na ang biktima sa koob ng sasakyan ng suspek, dito na inumpisahan yakapin ng suspek ang biktima at inabuso sa pribadong parte ng katawan nito ng paulit-ulit umano.
Sa kabila ng pagpupumiglas ng biktima, nagbanta ang suspek umano na “papatayin” niya ito.
Habang nasa loob umano sila ng motel kinuha naman ng suspek ang personal na gamit nito saka account number at nagawang ipalipat ang laman nito na nagkakahalaga ng mahigit sa P190,000.
Matapos ang insidente, agad iniwan ang biktima sa loob ng motel na humingi naman ng tulong sa mga tauhan ng establisyimento.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan police na nakatakdang sasampahan ng kasong rape at robbery.