Ashmatt

Recording ng Brickman song, dream come true — Matteo

September 30, 2022 Ian F. Fariñas 77 views

MARAMING Ashmatt fans ang natunaw sa kilig sa pagiging sweet ni Matteo Guidicelli sa isang Instagram post kung saan sinabi niyang nine years na silang magkasama ng kanyang love (at misis) na si Sarah Geronimo.

Visible nga ang mag-asawang Matteo at Sarah ngayon dahil sa collab na ginawa nila ng international composer na si Jim Brickman.

Malapit si Brickman sa mga Pinoy at madalas din itong bumisita sa bansa pre-pandemic.

Kaya naman ganu’n na lang ang tuwa ng maraming music fans nang matuloy ang pag-record ng AshMatt sa sikat na Brickman song, ang The Gift, para sa 25th year nito.

Ani Matteo sa isang video upload ng duet nila ni Sarah, “Dream come true to work with THE Jim Brickman! It all started with a tweet from the man himself then after several months we actually have a record! It’s even more special because it’s the 25th year anniversary of the song, The Gift. Thank you @therealjimbrickman for inviting us to record this beautiful song!”

Sa comment section, sinabi ng netizens na ramdam nila ang genuine love and happiness kina Matteo at Sarah.

May ilan din na nag-wish na sana ay magka-baby na ang dalawa para malubos ang kaligayahan nila.

AUTHOR PROFILE