Hesinthoper

Record-breaking ‘He’s Into Her,’ may season 2

August 9, 2021 People's Tonight 1123 views

Ang romantic comedy series mula sa Star Cinema na He’s Into Her na ipinalabas sa iWantTFC, Kapamilya Channel at A2Z, ay magkakaroon ng ikalawang season para ibalik ang pagmamahal sa mga manonood, habang winasak naman nito ang ticket sales record sa ktx.ph matapos makabenta ng higit sa 35,000 na ticket ang post-finale show nito na “The Benison Ball.”

“Alam namin maraming nalungkot sa pagtatapos ng He’s Into Her at dahil ayaw namin kayong malungkot, may good news po kami para sa inyong lahat. Ang He’s Into Her po ay magkakaroon na ng season 2,” sabi ni Cory Vidanes, ABS-CBN chief operating officer sa thanksgiving concert ng show last Friday, August 6.

Samantala, inanunsyo naman ng ktx.ph sa social media na ang nasabing online concert na ang digital concert na may pinakamaraming taong dumalo dahil umabot sa 35,000 tickets ang nabenta para rito, at lumagpas pa sa seating capacity ng tradisyonal na venues tulad ng Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena.

Natunghayan sa concert ang group performance ng cast na pinangunahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, pati na ang number ng mga gumanap na kaibigan ni Belle sa palabas na sina Vivoree Esclito, Criza Taa, Limer Veloso at Kaori Oinuma laban sa mean girls na sina Dalia Varde at Ashley del Mundo.

Sa pangunguna ni Donny, nagpakitang gilas din ang boys ng He’s Into Her na sina Joao Constancia, Gello Marquez, Rhys Miguel at Jeremiah Lisbo sa pagsayaw nila sa kanta ni Inigo Pascual na Catching Feelings habang nagdri-dribol ng bola.

Kinilig naman ang mga nakapanood sa performances ng loveteams na sina Ashley at Gello, Criza at Joao, Kaori at Rhys at ang love triangle nina Donny, Belle at Jeremiah.

Mas lalong naging makulay ang gabi ng “Benison Ball” sa awiting hinandog nina Jayda Avanzado, SAB, JC Alcantara, Gigi de Lana at BGYO.

Kinumpleto naman ng Bearkada na sina Shanaiah Gomez, Jae Miranda, River Joseph at Milo Elmido ang naturang gabi sa pagho-host nila sa nasabing event.

Pinasalamatan nina Vidanes, ABS-CBN Films Managing Director Olivia Lamasan, at Star Magic head na si Laurenti Dyogi ang buong produksyon at ang viewers sa naging matagumpay na season ng He’s Into Her.

Mapapanood na muli ang “The Benison Ball” sa iWanTFC at TFC bukas, August 11.

Sa simula pa lang, tinangkilik na agad ng viewers at netizens ang He’s Into Her. Dahil sa dami ng gustong sundan ang palabas, naging top free entertainment app ang iWantTFC sa mobile applications sa bansa bago ito mag-premiere noong Mayo 28.

Nagtuluy-tuloy naman ang paghahari nito sa iWantTFC sa pagiging number one nito sa app mula umpisa hanggang katapusan.

AUTHOR PROFILE