Heart

Rebulto ng mukha ni Heart, regalo ni Chiz

February 13, 2023 Ian F. Fariñas 384 views

HAPPIEST birthday indeed.”

Ganyan dinescribe ni Heart Evangelista sa Instagram ang kanyang 38th birthday ngayong Martes, Araw ng mga Puso, nang i-post ang picture ng napakaromantikong regalo ng mister niyang si Chiz Escudero kahapon.

Anang Kapuso actress, “17 years ago I filmed my telenovela Hiram na Mukha they took a molding of my face at that time. I was 21 years old… through the years I always wondered where the molding was. I briefly mentioned it to my husband 3 years ago and lo and behold… he was able to locate the original cast and had it commissioned by one of my favorite artists @ferdiecacnio. amazing. the happiest birthday indeed thank you @escuderochiz.”

Sa comment section, binanggit ni Heart na tinulungan si Chiz nina Mark Lopez at Carlo Katigbak para mahanap ang nasabing molde.

Siyempre, masaya ang netizens sa nakikitang sweetness ng mag-asawa ngayon matapos dumaan sa pagsubok ang relasyon nila.

Feeling nila, ang haba ng hair ni Heart.

Ilan sa celebrity-friends ng couple na nag-react sa regalo ni Chiz sina Karen Davila, Sofia Andres, Direk Erick Salud (direktor ng Hiram na Mukha), atbp.

AUTHOR PROFILE