Default Thumbnail

Real life crisis vs Presidential candidate

January 28, 2022 Allan L. Encarnacion 1179 views

Allan EncarnacionHIGH impact ang ibinigay na senaryo ng DZRH-Manila Times kay BBM sa kanilang Presidential Interview. Puwede rin palang sabihing “ang cute” ng tagpo na parang ala-White House Down movie genre.

Ano raw ang gagawin ni BBM kung sa mismong oras ng kanyang oath-taking bilang Presidente ay magkaroon ng ala People Power demonstration sa labas.

Kung cute ang tanong, mas cute ang sagot ni BBM: Tatapusin ko muna ang oath-taking ko bago ako kumilos.

Ito iyong sinasabi ko sa magandang format ng DZRH-Manila Times, ang bawat Presidential candidate ay bibigyan ng kanya-kanyang krisis na lulutasin. Real life crisis na totoong nangyayari at posibleng mangyari.

Sa tingin ko maganda at tumpak ang sagot ni BBM sa tanong na iyon. Peaceful resolution at tiyaking walang putukan at walang masasaktan. Kailangan lang sabihan agad ni BBM ang bodyguard niyang si Gerald Butler na huwag manggugulo!

Iyon naman talaga dapat ang ultimate mission ng mga lider, ayusin ang gulo at matiyak na ang anumang tagpo ay hindi magiging sanhi ng pagkalumpo ng gobyerno.

Para sa sagot ni BBM, 4-star!

***

Doon naman sa mga pagsalang ng mga kandidato sa Jessica Soho interviews, may mga magaganda ring sagot ang ibang aspirants sa mga tanong kaya lang, ramdam mong hindi nila maiwasang gamitin sa kanilang personal advantage ang mga tanong.

Halimbawa, sa tanong na kung ano ang “priced possession”, si Isko ay praktikal ang sagot kasi nga totoo namang mahal ang isang kotse or van. Walang pulitikang sagot, natural.

Sa tingin ko, si Isko ang nakapuntos sa GMA 7 interviews dahil mas praktikal at mas natural ang kanyang mga sagot.

May mga kandidatong hindi makaiwas sa mga motherhood statement kaya maiisip mo rin na kulang pa sa planning. Hindi na natin babanggitin kung sino sa kanila pero kitang-kita ang pagkahiwalaw.

Kung magpapatuloy ang ganitong senaryo, naniniwala tayong magkakaroon ng 2-corner fight sa Presidency bagama’t sa ngayon, malinaw ang advantage ni BBM sa ground surveys at mga political surveys.

Pero sabi nga, bilog ang bola, kailangan lang ni Isko na magkaroon ng tamang riles na dadaanan para hindi niya maulit ang mga naunang pagkakamali sa mga nakaraan.

Malaki ang ipinagbago ng mga kilos ni Isko kung ikukumpara sa mga nakaraang tatlong buwan. Nawala na ang angas, mas dumidikit sa kanyang pagkatao ang mga sinasabi at mga ikinikilos niya.

Iyong gabi-gabi niyang pag-iikot sa mga vax area sa Maynila hanggang madaling araw kahit naka-shorts ay puwede nating sabihing epektibo at bagong paraan ng hands-on governance.

Abangan ang mga susunod na kabanata, lalo na ang Presidential debates na tiyak magiging deciding factor para sa mga botante.

[email protected]