Rayver sigurado nang si Julie Ann ang gusto makasama habambuhay
ULILA nang lubos ang magkapatid at Kapuso singer, actors and dancers na Rodjun at Rayver Cruz. Their father, Rodolfo Ilustre, Sr. passed on nung 2009 due to kidney failure habang ang kanilang inang si Beth Cruz-Ilustre ay pumanaw nung 2010.
Ang magkapatid ay may isa pang kapatid na lalake, si Omar Ilustre.
Since wala nang parents ang magkakapatid, nagtulung-tulong sila to support each other. Si Rayver ang unang pumasok sa showbiz na sinundan ni Rodjun habang nanatiling non-showbiz ang isa pa nilang kapatid na si Omar.
Nang pumasok sa showbiz ang magkapatid na Rodjun at Rayver, ginamit nila ang family name ng kanilang yumaong ina na Cruz dahil kabilang sila sa kilalang Cruz clan ng mga singers, musicians and actors sa entertainment business. Uncle nila ang yumaong actor na si Ricky Belmonte (Jesus Velez Cruz), mister ng Sampaquita Star `66 na si Rosemarie Sonora (nakababatang kapatid ng yumaong Movie Queen na si Susan Roces at ama ng actress na si Sheryl Cruz at mga kapatid nitong sina Renzo at Patrick Cruz na kanilang mga pinsan. Pinsan din nila sina Donna Cruz, Sunshine Cruz at Geneva Cruz na gumawa ng sari-sariling mga pangalan sa industriya habang tiyuhin naman nila ang dating matinee idol at veteran actor na si Tirso Cruz III na naging pinuno rin ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at isa sa pinaka-in demand actor sa kasalukuyan.
On their own ay gumagawa rin ng sariling marka ang magkapatid na Rodjun at Rayver. Sa dalawa, nag-asawa na si Rodjun sa actress-host at celebrity endorser na si Dianne Medina at meron na silang dalawang supling habang si Rayver ay siguradung-sigurado na na ang kanyang nobyang singer, actress-host na si Julie Anne San Jose ang gusto niyang makasama habang buhay.
Kahit paano ay naging makulay din ang buhay-pag-ibig ni Rayver na unang na-link kina Shaina Magdayao at Pop star na si Sarah Geronimo. Naging kasintahan din niya sina Cristine Reyes at Janine Gutierrez bago niya naging kasintahan si Julie Anne na pinaghahandaan na niya ang proposal and eventually sa plano nilang pagpapakasal.
Sa ngayon ay focused muna ang magkasintahan sa kanilang respective careers. Bukod sa magkasama ang dalawa sa Sunday musical variety show na “All Out Sundays” at magkasama rin sila sa bagong season ng “The Clash” on GMA.
Samantala, dalawa na ang supling ng mag-asawang Rodjun at Dianne, sina Joaquin (Rodolfo Joaquin Diego III) – 4 years old at si Maria Isabella Elizabeth na isinilang nung nakaraang July 23, 2024 kaya may dalawang pamangkin na si Rayver sa kanyang nakatatandang kapatid na si Rodjun.
Arjo tuluy-tuloy ang tagumpay, very supportive si Maine
ALTHOUGH elusive pa sa actor-politician na si Arjo Atayde ang iba’t ibang local award-giving bodies (except for Star Awards for TV) tulad ng Gawad Urian, Luna Awards, FAMAS, The EDDYs at Star Awards for Movies, dalawang international awards na bilang Best Actor ang nasungkit ng mister ni Maine Mendoza.
Si Arjo ang tinanghal na Best Actor in a Lead Role sa 3rd Asian Academy Creative Awards para sa pelikulang “Bagman” na kanyang tinanggap in 2022 at kamakailan lamang ay lumipad patungong Taipei ang actor-politician para tanggapin ang kanyang ilawalawang international acting actor, and his first mula sa Content Asia Awards as Best Actor in a Lead Role in a TV Program/Series para sa TV series na “Cattleya Killer”na magkatulong na pinamahalaan nina Dan Villegas at Irene Villamor mula sa panulat ni Dado Dayao. Isa itong psychological, mystery, thriller and drama movie where he played the role of Anton dela Rosa. Nakasama ni Arjo sa nasabing serye sina Jake Cuenca, Christopher de Leon, Jane Oineza, Ria Atayde, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Zsa Zsa Padilla at marami pang iba. Ang nasabing serye ay nag-premiere sa Amazon Prime nung June 1, 2023.
As early as 2012 (when he was 21) ay pinarangalan na siyang Best New Male Actor ng Star Awards for TV ng PMPC dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa “Bangka” episode ng “Maalaala Mo Kaya,” ang dating longest-running and top-rating weekly drama anthology ng ABS-CBN hosted by Charo Santos. Taong 203 naman ng muli siyang parangalan ng Star Awards for TV as Best Drama Supporting Actor for “Dugong Buhay”. The following year, 2014 ay muli siyang nakatanggap ng paranal mula sa Star Awards for TV for his portrayal in another episode ng MMK, ang “Dos por Dos”. Same body awarded him as Best Supporting Actor for his role in the action-drama series “FPJ’s Ang Probinsyano” bukod pa sa special award mula sa PEP in 2016. Three years later in 2019 ay muli siyang nanalong Best Drama Supporting Actor for “General’s Daughter”. Kaya nakaka-limang awards na siya sa Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
It was only last July 28, 2024 nang i-celebrate ng mag-asawang Arjo at Maine ang kanilang first anniversary bilang mag-asawa. Ayon sa actor-politician, sa kabila ng kanyang busy schedule bilang actor at public servant, he makes it a point na may oras umano sila para sa isa’t isa. Whenever their schedule permits ay nagta-travel sila sa ibang bansa since pareho silang mahilig mag-travel.
Puring-puri ni Arjo ang pagiging supportive wife ni Maine, isa sa mga hinahanggan ng actor-public servant sa kanyang misis na busy rin sa kanyang sariling karera.
While Arjo and Maine are also planning to have their own kids, gusto muna nilang i-enjoy ang isa’t isa na silang dalawa lamang dahil tiyak umanong maiiba ang kanilang mga priorities kapag meron na silang anak o mga anak na iintindihin.
Masaya naman si Arjo for his younger sister na si Ria at brother-in-law na si Zanjoe Marudo na malapit nang magkaroon ng anak na isang baby boy.
Dahil sa sunud-sunod na blessings na patuloy na dumarating kay Arjo na ang pinaka-latest ay ang kanyang pagkakapanalo bilang Best Male Lead Actor sa “Content Asia Awards” in Taipei, the actor-politician hosted a thanksgiving and early Christmas party for the entertainment media and vloggers last Friday evening na ginanap sa kanyang Quezon City Headquarter’s office na dinaluhan din ng kanyang ever-supportive and proud parents na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.
Louise mas stable na ang buhay ngayon
THIRTY-two-year old Viva actress and Viva Foods pastry chef Louise delos Reyes is glad na patuloy pa rin siyang pinagtitiwalaan ng mga proyekto ng kanyang home studio, ang Viva. Katunayan, may bago siyang movie under Viva Films, ang suspense-thriller movie na “Pasahero” na pinamahalaan ni Roman Perez, Jr. ang palabas ngayong October 9,2024. Ito’y pinagsasamahan nila nina Bea Binene, Mark Anthony Fernandez, Andre Yillana at iba pa. Ito bale ang second movie ni Louise na maipapalabas sa mga sinehan since the hit movie “Deleter” na naging kalahok sa Metro Manila Film Festival nung 2022.
Since kumuha rin si Louise ng pastry making, she approached Viva big boss , Boss Vic del Rosario na kung puwede siyang magtrabaho sa Viva Foods bilang pastry chef at hindi naman siya nabigo.
Ngayon ay meron na siyang regular salary na natanggap tuiwng kinsenas at katapusan bilang isang empleyado.
“You’re only good up to your last project,” aniya.
“Hindi mo alam kung kelan ang next project mo kaya mahirap umasa,” dagdag pa niya at the media conference ng kanilang upcoming movie ni Bea na ginanap sa Viva Café last Friday.
Hindi ikinakaila ni Louise na meron siyang tinatawag na `third eye’ pero ayaw umano niya itong i-entertain at pilit niya umanong nilalabanan at iniiwasan.
During the presscon, inamin din niya ang kanyang pagkakaroon ng mental illness at dumating sa punto na gusto rin niya wakasan ang kanyang buhay. Naapektuhan din siya nang husto nang magkasunod na sumakabilang-buhay ang kanyang parents nung 2018 and 2019, less than a year apart. Thankful naman siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Gino Brion and his family sa suportang ibinibigay sa kanya.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.