Default Thumbnail

Rayver sapat na Christmas gift kay Julie Anne

November 30, 2024 Vinia Vivar 69 views

This early ay may Christmas plans na ang magdyowang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Siyempre, magkasama silang dalawa at sey ng aktres/singer ay naka-ready na nga ang gift niya para sa boyfriend.

“Kasi si Kuya Rodjun (Cruz) at si Ate Dianne (Medina), five minutes away lang siya from our house. Kaya everytime na Christmas occasion, ganyan, from the South, pupunta si Ray (Rayver) sa North,” sabi ni Julie Anne sa panayam ng GMA-7.

Sa bahay nina Rodjun nagpa-Pasko si Rayver and since malapit nga lang ang bahay kina Julie Anne, magkakasama rin sila.

“Tawid-tawid lang kami,” sey ng actress/singer.

Na-order na rin daw ni Julie Anne ang Christmas gift niya for Rayver.

Asked kung ano naman ang gusto niyang matanggap na Christmas gift mula sa boyfriend, ani Julie Anne, si Rayver lang ay sapat na.

“Wala naman akong ini-expect na regalo kasi gusto ko lang, siya ‘yung regalo ko. Wow!” masayang sabi ni Julie Anne.

AKTOR NANAKIT ANG TIYAN, NAGKALAT SA MEDIACON

Nagkalat ng lagim ang isang award-winning actor sa isang malaking mediacon kamakailan.

Ang tsika, kumain nang kumain si aktor sa naturang event hanggang sa maya-maya ay nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan.

Nagpunta siya sa comfort room para magbawas pero ang siste ay sira ang flush sa cubicle na napuntahan niya.

Ang ending, hindi siya makalabas ng CR at naghintay ng kakilala niyang papasok para tulungan siya.

Ang kaso, matagal-tagal din bago nakahingi ng tulong ang aktor kaya hiyang-hiya siya sa mga pumapasok sa CR na nakaamoy ng hindi magandang amoy.

Moral lesson: Next time, kontrolin ang pagkain kapag nasa isang event para hindi maganap ang mga hindi inaasahang pangyayari.

AUTHOR PROFILE