Rayver

Rayver magpo-propose na sana nang makipag-break si Janine

November 19, 2021 Aster Amoyo 333 views

PaoloUSAP-USAPAN pa rin hanggang ngayon ng marami ang recent break-up ng magkasintahang Janine Gutierrez at Rayver Cruz na tumagal ang relasyon ng apat na taon.

Ayon sa aming source, naghahanda na raw sana ang Kapuso singer-actor ng kanyang proposal sa (dating) nobya nang hindi umano nito inaasahang makikipag-break sa kanya. Idinagdag pa ng ating source na ang co-star ngayon ni Janine sa seryeng “Marry Me, Marry You” na si Paulo Avelino umano ang dahilan. Sinasabing hiwalay na rin umano si Paulo sa Polish-Filipina model girlfriend nitong si Jodie Elizabeth Tarasek.

Sa isang virtual interview kina Paulo at Janine, inamin ng una na nanligaw umano siya noon kay Janine. Tila na-rekindle ang interes ng actor sa singer-actress nang gawin nila ang serye.

Ngayong wala na sina Janine at Rayver, nali-link naman ang huli sa kanyang kasamahan sa “The Clash” at “All Out Sundays,” ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose na ex-girlfriend naman ng isa pang Kapuso actor na si Benjamin Alves.

Bago naging kasintahan ni Rayver si Janine ay na-link din ang actor sa Popstar royalty na si Sarah Geronimo, sa singer-actress na si Cristine Reyes maging kay Shaina Magdayao. Kung iti-trace ang mga babaeng na-link kay Rayver, mahilig ito sa mga singer-actress tulad nina Shaina, Sarah, Cristine at Janine. Singer-actress din ang bagong nali-link ngayon sa kanya, si Julie Anne. Pagkakataon nga lamang kaya ito o ito talaga ang dalawa sa mga katangian na hinahanap ng singer-actor sa isang would be girlfriend? Maybe because he is also a singer-actor.

JCYassi umuwi ng Pilipinas para mapanood ang pelikula nila ni JC sa sinehan

KAILANGANG handa kayong umiyak kapag napanood ninyo sa Vivamax streaming app (simula kapahon, November 19) ang makabagbag-damdaming “More Than Blue” romance-drama movie, Philippine adaptation ng 2009 Korean hit film of same title at pinagbibidahan nina JC Santos at Yassi Pressman kasama sina Diego Loyzaga, Ariella `Ara’ Arida, Marion Aunor at iba pa muna sa direction ng box office director na si Nuel Crisostomo Naval under Viva Films. Ang nasabing pelikula ay nagkaroon ng special screening sa Robinsons Magnolia Cinema last Thursday evening na personal na dinaluhan ng lead stars na sina Yassi, JC (together with his wife na si Shyleena Herrera-Santos) and Diego (na kasama naman ang girlfriend na si Barbie Imperial) at si Direk Nuel.

Ang “More Than Blue” ay maituturing na isang kakaibang love story like no other nina K (JC) at Cream (Yassi) at kinu-consider ng huli na most mature and endearing movie na kanyang nagawa in her over 15 years acting career.

Yassi just flew in from her successful business trip sa Canada at Amerika dahil ayaw niyang ma-miss na mapanood ang pelikula sa big screen.

In fairness kina JC and Yassi, they were both so natural in tackling their respective roles in the movie.

Nagsilbi naman first appearance in public ng mag-asawang JC at Shyleena maging ang magkasintahang Diego at Barbie ang special screening ng “More Than Blue” movie sa Robinsons Magnolia Cinema. Kapansin-pansin din ang pagdagsa ng mga tao sa mga mall laluna sa mga restaurants.

Although on digital platform napapanood ang “More Than Blue” movie ng Viva Films, tiyak na maiibigan din ito ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bansa na abot ng Vivamax streaming app. Bukod sa Pilipinas, ito’y napapanood din sa Amerika, Canada, Middle East, Hong Kong, Japan, Malaysia, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia at New Zealand.

Samantala, ngayong bukas na ang ilang sinehan in Metro Manila at maging sa iba’t ibang lugar ng bansa, mahigpit pa ring ipinatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face masks. Kailangan ding bitbit ng mga manonood ang kanilang vaccination cards kung gusto nilang makapasok sa loob ng sinehan para na rin sa safety ng mga manonood.

XianPelikula tungkol kay Isko tribute kay Kuya Germs

NUNG nabubuhay pa ang Master Showman at star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno, sobra itong proud sa kanyang mga naging anak-anakan sa dati nitong youth-oriented program sa GMA, ang “That’s Entertainment” kasama na rito ang actor-turned politician na si Isko Moreno (Francisco Moreno Domagoso).

Walang mahalagang okasyon noon si Kuya Germs na hindi pinupuntahan ni Isko na ang turing sa kanyang mentor ay parang isang tunay na ama. Utang ni Isko ang kanyang tagumpay, una sa Panginoong Diyos, sa kanyang mga magulang at pangatlo, kay Kuya Germs at sa lahat ng mga taong naniwala sa kanyang kakayahan.

Ang musical film na “Yorme: The Isko Domagoso Story” na pinamahalaan ng writer, director at songwriter na si Joven Tan ay parang tribute na rin ni Manila Mayor Isko Moreno sa namayapang si Kuya Germs at dati nitong programang “That’s Entertainment” sa GMA. Ang character ni Kuya Germs ay ginampanan sa pelikula ng mahusay na singer-actor at produkto rin ng youth-oriented program na si Janno Gibbs. Ang child star na si Raikko Mateo ang gumanap na batang Isko, si McCoy de Leon bilang teen-ager at ang singer-actor-director na si Xian Lim sa present generation ng actor-politician. Magsisilbi ring grand reunion ng dating “That’s Entertainment” members ang pelikula dahil may mga special participation at dating naging mga naging kasamahan ni Isko sa programa tulad nina Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Ripol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos at Maricar de Mesa Gumanap namang mga magulang sa pelikula ng young Isko sina Tina Paner at Ramon Christopher (Gutierrez) habang si Jestoni Alarcon (na isa ring actor-politician) ang gumanap sa papel ng discoverer at talent manager ni Isko na si Wowie Roxas.

“Tiyak na masaya si Kuya Germs sa kanyang kinaroroonan ngayon dahil sa narating ng kanyang mga dating anak-anakan sa “That’s Entertainment,” pahayag ng actor-politician na si Isko.

Samantala, itinuturing namang isang malaking karangalan para sa nobyo ni Kim Chiu na si Xian Lim that he was personally handpicked to portray the role of Manila Mayor Isko Moreno in the movie produced by Saranggola Media Productions released ng Viva Films at mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong December 1, 2021.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel . Follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE