Rayver handa nang mag-settle down kasama si Julie Ann

May 18, 2022 Aster Amoyo 150 views

Rayver

UNTI-UNTI na ring ipinapakita ng singer-dancer at actor na si Rayver Cruz kung gaano niya kamahal ang Kapuso singer-actress na si Julie Ann San Jose.

Sa 28th birthday ni Julie Ann ay nag-post sa kanyang Instagram si Rayver ng ilang photos nilang dalawa at nagpaabot rin siya ng special message sa kanyang bagong lady love.

“Happiest birthday to the one and only Asia’s Limitless Star and my everyday inspiration @myjaps.”

Nagpahayag na rin ng kanyang pagmamahal ang singer-actor kay Julie Ann at nangakong nakahanda umano siyang maghintay gaano man ito katagal.

At 32, handa na ring bumuo ng pamilya ang Kapuso singer-actor at nakikita niya kay Julie Ann ang katangian ng babaeng gusto niyang pakasalan balang araw.

Celebrities in Cebu

Donna

MAGMULA nang ikasal ang singer-actress na si Donna Cruz sa Cebuano doctor na si Dr. Yong Larrazabal nung 1998 ay sa Cebu na siya namirmihan kung saan sila bumuo ng pamilya ng kanyang husband. Ang mag-asawa ay meron na ngayong tatlong grown-up children – sina Belle (Isabella Adriana) – 22, Cian (Potenciano IV) – 18 at ang bunsong si Gio (Inigo Renato) – 15.

Paul

Ang isa pang celebrity couple na sa Cebu na naka-base ay ang mag-asawang Kaye Abad at Paul Jake Castillo.

Ang (dating) Kapamilya actress na si Kaye ay ikinasal sa Cebuano ex-PBB housemate-turned actor at businessman na si Paul Jake Castillo nung December 9, 2016. Ang mag-asawa ay meron na ring dalawang anak na parehong lalake, sina Joaquin (4) at Inigo Leon na mag-iisang taon sa darating na September 1.

Ang isa pang celebrity na sa Cebu na rin naka-base ay ang ex-wife ng actor na si Paolo Contis, ang dating dancer-actress na si Lian Paz who is now engaged sa dating basketball player at Cebuano businessman na si John Cabahug.

Lian

Si Lian ay may dalawang anak sa kanyang ex-husband na si Paolo na sina Xalene at Xonia na kasama niya sa Cebu along with her youngest daughter kay John na si Nina Angela (6) at isa pang anak ng kanyang fiancé na si Lexy.

Nagpapasalamat si Lian sa kanyang fiancé dahil ito ang tumatayong ama sa kanyang dalawang anak sa kanyang dating mister na si Paolo.

Bea & JLC1

John Lloyd at Bea bakit iba ang nakakarelasyon?

ANG tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay isa sa pinaka-successful loveteam hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula. Over at ABS-CBN, maraming beses nang nagtambal ang dalawa sa ilang hit TV series tulad ng “It Might Be You,” “Maging Sino Ka Man,” “A Beautiful Affair,” “It Might Be You “among Others. Ang kanilang tambalan sa telebisyon ay na-extend sa kanilang movie team up at lahat ng mga pelikulang kanilang pinagtambalan ay pumatok sa takilya tulad ng “Close To You,” “Miss You Like Crazy,” “One More Chance,” “The Mistress” at iba pa. Ang dalawa ay huling nagtambal sa pelikula in 2015 sa pelikulang “A Second Chance”.

Pareho na silang nasa Kapuso network ngayon kung saan may hit sitcom ang actor, ang ‘Happy To GetHer’ habang si Bea ay nakapag-simula na sa kanyang kauna-unahang TV series, ang local adaptation ng Korean TV series nung 2020, ang “Start-Up” kasama ang GMA prized talent na si Alden Richards.

May lumulutang na balita na gagawa umano si TV series ang magka-loveteam at muling lumulutang ang balita na tuloy diumano ang kanilang balik-tambalan sa pelikula either with GMA Pictures or a joint production either with Viva Films or Star Cinema.

Since may special agreement na ang ABS-CBN at ang GMA, hindi na ngayon imposible ang pagkakaroon nila ng joint venture in the future bagay na ikinatuwa nina John Lloyd at Bea who remained good friends throughout the years ng kanilang tambalan.

Tulad noon nina Vilma Santos at Christopher de Leon, never na-link sa isa’t isa sina John Lloyd at Bea.

John Lloyd has a non-showbiz girlfriend ngayon na isang visual artist habang si Bea naman ay kasintahan ng Kapamilya actor na si Dominic Roque, pamangkin ng San Francisco-based actress na si Beth Tamayo.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE