Bagatsing

Raymond, nakampante sa pagkandidato

May 9, 2022 Jun Nardo 662 views

NAKALAGAY pa rin pala sa balota bilang kandidato sa pagka-vice mayor ng Maynila ang aktor na si Raymond Bagatsing. Si Yul Servo ang isa sa mga kalaban niya sa nasabing posisyon.

Eh, between the two, mas nakita pa namin si Yul na nangampanya sa aming lugar sa Sampaloc.

Pero si Raymond, hindi namin nabalitaan.

Naging kampante kaya siya dahil kilala ang Bagatsing clan sa sa Maynila?

Naku, may tumatakbong mayor na Bagatsing sa Maynila — si Amado Bagatsing. May Bagatsing na nagbabakbakan sa Sampaloc bilang konsehal — ang magkapatid na DJ at Havy Bagatsing.

Iba talaga ang bakbakan sa pulitika dahil kahit magkadugo, naglalaban-laban para sa kapangyarihan.

2 CHANNELS PARA SA ELEKSYON 2022

DALAWANG channels ng GMA Network ang inilaan nila para sa coverage ng election 2022 – GMA Network at GMA News TV.

Comprehensive ang pagbabalita ng kanilang reporters habang anchors naman sina Mike Enriquez at Mel Tiangco.

Ibinabalita nila ang nangyayaring eleksyon lalo na kapag may kaakibat na gulo sa botohan.

May sabugan sa ibang lugar na ni-report. May reklamo sa hindi makaboto agad dahil sa mahabang pila at mga diskaril na VCMs.

Basta ang GMA, hindi pahuhuli sa balitang nais iparating sa mga tao kaya tumutok sa dalawang channels ng Kapuso Network.

Congratulations for a job well done, GMA!

AUTHOR PROFILE