
Ray Parks ‘sugar daddy’ ni Zeinab: ‘Ako bahala sa’yo’
TILA pinakilig na naman ng internet personality na si Zeinab Harake ang netizens at maging ang nobyo nitong Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. matapos niyang mag-post tungkol sa kanilang romantic date.
Sa Instagram stories ni Zeinab nitong Martes ng gabi, Oktubre 3, ibinahagi ng sikat na vlogger ang isang selfie kasama si Ray Parks habang sila ay nasa kanilang date.
Kalakip ng larawan mula sa kanilang romantic date ang caption kung saan tinawag pa ngang “sugar daddy” ni Zeinab ang basketbolista.
“Thank you for another dinner date, my sugar daddy @ray1parks,” sey ni Zeinab sa on-screen caption ng kanyang IG story.
Samantala, ni-repost naman ni Ray Parks ang naturang IG story ng nobya at nagbigay ng reaksyon.
“Isang karangalan Bel. Ako bahala sa’yo,” pahayag ng Fil-Am basketball player.