Bea

Rason ng biyahe sa Madrid, isinisikreto ni Bea

March 27, 2022 Vinia Vivar 413 views

Handang-handa na si Bea Alonzo sa kanyang first teleserye sa GMA-7, ang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Start-Up kung saan nga ay makakapareha niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Nagkaroon na sila ng reading kahapon at pagkatapos nito ay magkakaroon sila ng workshop and look test.

“The first day of taping will be on the first of April pero ’etong mga huling araw ng March, lahat na for preparations,” pagbabahagi ni Bea sa ginanap na launch niya bilang ambassador ng Beautederm’s Reiko Slimaxine diet enhancer at Reiko Fitox digestion enhancer.

May pagbabago na nga raw sa taping dahil hindi na ito lock-in.

“We were told na hindi na bubble. Parang napayagan na yata na hindi bubble, but just the same, parang meron pa ring mga first three days straight, and then, may break and then, two days na straight and then, may break. Parang ganu’n na yata.

“In a way, parang bubble but makakauwi kami sa kanya-kanya naming bahay and talagang every time, i-RT-PCR test kami para safe kaming lahat,” sey ng aktres.

Naibalita rin ni Bea na babalik siya ng Madrid sa May.

Matatandaan ngang kararating lang ng aktres mula sa nasabing bansa last week at sa pagbabalik niya ay kasama raw niya ang kanyang ina.

Sandali lang daw sila roon at babalik din agad.

Asked kung ano ang meron sa Madrid at pabalik-balik siya, ayon kay Bea ay hindi pa raw niya pwedeng sabihin.

“Gusto kong sabihin sa inyo dahil sobrang excited ako. Pero hindi ko pa puwedeng sabihin sa inyo, surprise ‘yun,” she said.

Nilinaw niyang hindi ito work-related.

“Mas personal,” sey pa niya.

Nagsigawan ang press dahil baka raw pre-nuptial photoshoot na ito nila ng boyfriend na si Dominic Roque.

Natawa si Bea. “Hindi ko naman kasama si Dom.”

Kaya super-busy daw siya this whole summer at sana nga raw ay makasingit siya na makapag-swimming sa beach or sa Palawan.

Samantala, masayang-masaya si Bea na mapabilang sa Beautederm family.

Aniya, “Beautederm is very special to me kasi nu’ng panahon ng pandemya, ‘eto ‘yung unang-una kong endorsement aside from, of course, ‘yung mga existing endorsement ko. Sila ‘yung nagtiwala sa akin na kuhanin ako bilang endorser sa kabila ng all the uncertainties na talagang pine-face natin simula nu’ng lockdown and everything, so I am very thankful na this is another product na pinagkatiwalaan nila akong i-represent.”

Ang president at CEO naman ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan ay naniniwala na si Bea ang best ambassador na kakatawan sa Reiko Slimaxine at Reiko Fitox ng Beautéderm.

“Inspirasyon si Bea dahil she always see to it that she takes care of herself kahit na very hectic ang schedule niya,” pahayag ni Rhea.

“Focused at humble si Bea at alam niya ang kanyang mga prayoridad. Masaya ako dahil sinisiguro ni Bea na nananatili siyang malusog dahil for the past two years, natutunan natin ang value ng good health. I proudly welcome her as the official brand ambassador ng Reiko Slimaxine at Reiko Fitox ng Beautéderm.”

Ang Reiko Slimaxine at Reiko Fitox ng Beautéderm ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements na parehong masusing nilkha upang makapag-bigay ng daily optimum digestive wellness na tumutulong palakasin ang overall wellbeing ng bawat indibidwal.

AUTHOR PROFILE