Default Thumbnail

‘Rapist’ inatake sa selda

February 14, 2022 Jonjon Reyes 227 views

HINDI makapaniwala at kumbinsido ang mga kaanak ng isang 60-anyos na lolo, na umano’y inatake sa puso sa loob ng selda ng Manila Police District Station 13 (MPD Station 13), umaga nitong Lunes sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Base sa ulat na isinumiti ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 2:05 ng madaling araw nang magreklamo si Guerrero ng paninikip ng kanyang dibdid at hirap sa paghinga.

Agad naman ito na humingi ng tulong kay P/Cpl. Bobby Realin, na duty jailer ng MPD Station 13.

Dahil dito mabilis nila itong isinugod sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center, pero idineklara itong “dead on arrival.”

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng MPD Homicide Section kung may mapapatunayang foul play sa biktimang si Val Guerrero, taxi driver at residente ng Sitio Arguadiente, Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Sa rekord ng pulisya, inaresto ng mga tauhan ng MPD Station 13 si Guerrero dahil sa kasong rape noong Abril 2021. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE