Posas

Rape suspek timbog sa Rizal

June 18, 2024 Jojo C. Magsombol 152 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Nasakote kamakalawa ng mga pulis ang isang wanted sa kasong panghahalay sa Sitio Soro Soro, Brgy. Santiago, Baras, Rizal, ayon kay Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun.

Nag-operate ang tracker team ng Baras police na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Nicole para sa qualified rape.

Nahuli siya sa arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Yancy San Juan ng Regional Trial Court, Branch 159 ng Morong, Rizal.

AUTHOR PROFILE