Default Thumbnail

Rape suspek sa Zamboanga arestado sa Maynila

November 22, 2021 Francis Naguit 253 views

NATUNTON ng mga awtoridad ang isang 44-anyos na lalaki sa lungsod ng Maynila makaraang magtago dahil sa kasong panggagahasa sa Mahayag, Zamboanga Del Sur noon pang Nobyembre 201, iniulat ng pulisya.

Wala g inilaang piyansa sa naarestong si Rowel Solon aka ” Toto”,may asawa, online seller, tubong Mahayag, Zamboanga Del Sur at nanunuluyan sa 1452 Lope De Vega St., Int.8 Geronimo St., Sta.Cruz , Manila.

Ayon sa ulat ni P/ Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ( DSOU) ng Manila Police District, bandang 4:20 p.m, nitong Sabado nang arestuhin nila si Solon sa Lope De Vega St., sakop ng Brgy.330 Zone 31 sa ika- 3 Distrito ng Maynila.

Kasama nito ang kanyang Deputy na si P/ Cpt.Dave Garcia, ilan nitong mga tauhan at ang mga miyembro ng Mahayag Municipal Station sa pangunguna ni P/ Major Junar Clemente Yap.

Bitbit ng mga otoridad ang arrest warrant dahil sa kasong incestuos rape laban sa suspek na inisyu ni Judge Jaime B. Caberte, ng Regional Trial Court Branch 23 ng Molave, Zamboanga Del Sur na may petsang Nobyembre 22 , 2017.

Si Solon ay nasa most wanted list sa Zamboanga Del Sur, ayon sa rekord ng pulisya.. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE