Francisco

Rape suspek huli

May 19, 2022 Jonjon Reyes 107 views

BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section,ang isang 21 anyos na lalaki na wanted sa pangmomolestiya sa isang menor de edad,sa bisinidad ng Manila City Hall , Ermita,Manila. Huwebes ng tanghali.

Kinilala ni MPD- Director , P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco , ang suspek na si Christian Ferrer ,21 residente ng 274-C Teresa St.Sta.Mesa ,Manila.

Base sa report ni P/Col.Noel Aliño ,pasado alas 11:55 ng tanghali , nang posasan ang suspek sa loob ng compound ng Manila City Hall.

Dala ng mga otoridad ang arrest warrant na inisyu ni Judge James Sy ng Manila.

RTC Branch 4.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala nitong paglaya. Ni JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE