Default Thumbnail

Rape suspek, 4 pa nasakote sa OrMin

April 12, 2024 Jojo C. Magsombol 76 views

KAMPO B/HENERAL EFIGENIO NAVARRO, Calapan City, Oriental Mindoro–Natiklo noong Miyerkules ang isang suspek sa panghahalay sa Brgy. Odiong, Roxas, Oriental Mindoro, ayon kay P/BGen. Roger Quesada, Police Regional Office director ng Region 4B.

Bukod sa suspek sa rape, apat pang wanted na indibidwal noong ang naaresto noong Abril 10, 2024.

Inaresto ang suspek na si Dojie batay sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 11 sa Calapan City, Oriental Mindoro, sa kasong Rape by sexual assault.

May inirekomendang P200,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Samantala, kinilala ang apat pang suspek na naaresto na sina alyas Lowell, 39, at alyas Jelyn, 54, sa estafa; alyas Editha, 53, para sa adultery at alyas Jay-ar, 26, dahil sa paglabag sa Sec.7 (4) ng RA 9175 (Chainsaw Act of 2002).

AUTHOR PROFILE