Posas

Rape suspect nag-hide-and- seek sa Samar, game over

August 7, 2023 Edd Reyes 221 views

ARESTADO sa Valenzuela City Police ang lalaking pinaghihinalaang nanghalay sa isang menor-de-edad na biktima sa Samar.

Kaagad na inaprubahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang hiling ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. na payagang bumiyahe sa Samar ang kanyang mga tauhan makaraang makumpirma na doon nagtago ang lalaking may nakabimbing kaso ng statutory rape sa Valenzuela Regional Trial Court (RTC).

Bumiyahe sa Sta. Margarita, Samar ang mga pulis, sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista, ang hepe ng WSS, at doon naaresto ang suspek.

Sa tulong ni P/Lt. Elbest Taping, ang hepe ng Sta Margarita Municipal Police Station, kaagad nilang natunton ang akusado sa Barangay Napuro 2 sa naturang bayan dakong alas-12 ng tanghali noog Linggo.

Sa report ni Lt. Col. Concepcion “Connie” Salas, hepe ng NPD Public Information Office (PIO), ikinulong muna sa Sta Margarita Police Station ang akusado bago siya ibiniyahe sa tanggapan ng WSS ng Valenzuela Police Station.

AUTHOR PROFILE