
Rampage
WALANG kalaban-laban ang internet matapos magpakawala ng matinding init ang sexy star na si Rachelle Ruth sa kanyang latest post.
Suot ang nag-aapoy na red bra at hapit na hapit na jeans, tila diyosa ng tukso ang sexy star habang game na game sa isang deserted backdrop. Walang tanong-tanong—lahat ng mata sa kanya.
“Competition? I don’t see any” ang kanyang mapanghamong caption, at mukhang totoo nga! Sino nga ba ang pwedeng pumantay sa kanyang nakakatuyong alindog? Mata pa lang, patay na! Katawan pa kaya?
Hindi naman nagpahuli ang kanyang mga solid fans sa comments! May isang todo suporta na nagsabi ng, “Love you baby! That’s the way I like it!” habang ang isa naman ay tuwang-tuwa sa exclusive content niya. “Perfect mga pics and vids mo, lodi!” wika ng isang solid supporter.